Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, June 25, 2010

Kim Chiu ka-level na sina Juday, KC at Marian

PRESENT sa presscon ng Yes! Magazine Special: 100 Most Beautiful Stars ang cover girl nitong si Kim Chiu.

Hindi pa rin makapaniwala si Kim na siya ang napiling most beautiful ng Yes! ngayong taon at kahanay na ang past cover girls na sina Judy Ann Santos (2007), KC Concepcion (2008) at Marian Rivera (2009).

Nahingan namin ng paliwanag ang Yes! editor-in-chief na si Ms. Jo-Ann Maglipon kung bakit si Kim ang napili nilang maging cover girl this year.

“Kasi we wanted somebody refreshing, hot, and beautiful. And you know, my personal take on her is she’s a nice representative of showbiz. It’s nice to have her in showbiz to let people see good behavior and nice manners. Good role model siya. I hope she keeps it that way,” paliwanag ni Ms. Jo-Ann.

Ini-reveal din ni Ms. Jo-Ann na si Sarah Geronimo ang mahigpit na nakalaban ni Kim sa pagiging cover girl. Ayaw na lang idetalye ng Yes! editor ang mga na-ging edge ni Kim over Sarah. Basta masaya raw sila sa naging desisyon ng buong staff at mga taong kinunsulta nila.

Nakatutuwa ring makita na sa ganitong rare event, nagkakasama ang Kapamilya at Kapuso stars. Kahit alam ng lahat na mahigpit ang kompetisyon sa pagitan ng GMA7 at ABS-CBN, may pagkakataon pa rin na makikita mo ang kanilang mga artista na mag-kakasama tulad ng Yes! 100 Most Beautiful Stars.

Bukod kay Kim, pre-sent ang mga Kapamilya na sina Melissa Ricks, Jason Abalos, Bangs Garcia, at Ron Morales. Dumalo naman ang mga Kapuso na sina Ogie Alcasid, Aljur Abrenica, Kris Bernal, Jay-R at Geoff Taylor. Present din maging ang Kapatid from TV5 na si Chris Cayzer at ang indie actress na si Mercedes Cabral.

Available na ang Yes! 100 Most Beautiful Stars 2010 special issue sa newsstands, bookstores at supermarkets nationwide.

* * *

Pinagtatapat ang ABS-CBN loveteam nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa GMA loveteam naman nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Lalo na nga’t magkalaban din sa timeslot ang TV shows nilang Kung Tayo’y Magkakalayo at The Last Prince.

Kaya nakaaaliw na makita sina Kim, Aljur at Kris na mag-kakatabi at nagku-kuwentuhan during the presscon ng Yes! magazine

“Sa aming mga artista, walang competition. Kami ni Kris, honored kami na makita at makausap namin dito si Kim,” komento ni Aljur tungkol sa nangyayaring rivalry sa loveteams nila.

“Masaya po ako na nakita ko na si Kim nang malapitan. Even before sinasabi na namin ni Aljur na idol namin sina Kim at Gerald bilang mga mas nauna sa amin sa industriya. Napanood namin ang TV show at movie nila,” say naman ni Kris.

Flaterred naman si Kim sa mga papuri nina Aljur at Kris sabay pag-amin na pinapanood din nila ni Gerald ang TV show ng dalawang Kapuso stars.

Magkakasama rin daw sila bilang endorsers ng Bench kaya hindi naman daw nila iniisip ang tungol sa kanilang showbiz rivalry.

Pare-pareho naman ang naging pahayag ng tatlong young stars na gusto nilang makatrabaho ang isa’t isa.

“Medyo mahirap nga lang dahil magkaiba kami ng network. Hindi namin alam kung papayagan ka-mi ng ABS at kung papa-yagan naman sila ng GMA. Pero kung sa akin lang wa-lang problema kung maka-kasama namin sila, halimbawa sa isang movie. Aba-ngan n’yo na lang kaming apat sa Bench Uncut,” say pa ni Kim.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES