Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, June 19, 2010

Kris Aquino - James Yap updates

PINASYALAN namin si Kris Aquino sa kanyang dressing room sa SNN: Showbiz News Ngayon last Thursday para makapanayam hinggil sa mga issue concerning her, kasama na rito ang issue nila ng asawang si James Yap na nilagay niya sa kanyang Twitter account last Wednesday.

To quote Kris’ tweet, she stated, “To answer one of your tweets re james. We went through a difficult time during the campaign — stress & long hours led to a big misunderstanding. I have never lied to all of u- until now hindi pa completely na-fi-fix. That’s y I’ve just chosen to keep quiet since it’s something very private.”

Pero ayaw nang i-elaborate pa ni Kris ang pinagdaraanan nilang mag-asawa. Tulad ng tweet niya, aniya, it’s something very private at ayaw na niya itong i-divulge pa.

“Huwag na lang, nag-tweet na ako, eh. Nagtanong lang naman sila sa akin kung bakit hindi ko binabanggit si James, and sinagot ko lang. The question was ‘how come all the tweets are about my children.” So, sinabi ko, we had a misunderstanding and up to know, hindi pa naaayos. Ganu’n lang.

“I don’t want to talk about it, kasi nga it’s something very private na,” say pa niya.

Pero kahit may problema sila ni James, hindi mo mahahalata ito kundi pa siya nag-tweet nang ganu’n since nagagampanan naman niya ang lahat ng kanyang trabaho at commitments.

Sa ngayon, pinaghahandaan ng pamilya niya ang darating na inauguration ni President-elect Noynoy Aquino sa June 30 sa Quirino Grandstand, 12 noon.

Sa gabi, meron daw street party na gaganapin sa Quezon Memorial Circle kung saan ay magkakaroon din ng celebrity performers.

Si Kris ay naka-assign sa food sa street party at siyempre, isa sa mga hiningan niya ng tulong ay ang kanyang ine-endorse na Goldilocks.

Bukod ditto, pinatawagan din daw sa kanya ni PNoy ang ilang mga artista para dumalo sa inauguration.

“Kasi, may pinatawagan si Noy sa akin like sina Ai-Ai (de las Alas), Pokwang, Mariel (Rodriguez), Bianca (Gonzales), kailangan naka-Filipiniana (attire). So, sabi ko, kung wala pa kayong Filipiniana, magpatahi na kayo, you have two weeks.

“Sina Claudine (Barretto), Dingdong (Dantes) and Marian (Rivera), Ogie (Alcasid) and Regine (Velasquez). Gusto ni Noy, kung sino ’yung nandu’n talaga from the start, siyempre, si Coco (Martin),” she said.

Sa street party naman daw, hind pa niya alam kung sinu-sino ang darating, pero siguro raw, mostly ay banda since party-party nga iyon.

Hanggang next week na lang si Kris sa SNN at sa June 27 naman ang last episode niya sa The Buzz. Si Bianca Gonzales ang papalit sa kanya sa SNN at si Toni Gonzaga naman sa The Buzz.

Sa July 5 ang last taping day niya for Kung Tayo’y Magkakalayo at sa July 8 ay aalis na siya with Joshua and Baby James para sa kanilang Disneyland vacation.

Excited na si Kris sa kanilang bakasyon dahil first time raw nilang mag-iina to experience this trip.

“Bale 13 nights ang total ng Disney vacation namin, kasi two nights muna ru’n sa Orlando, tapos, aalis ka on a Sunday, five nights ’yung Disney cruise, tapos, six nights sa Disney World. Tapos, dadalhin ko ’yung kids sa Boston, tapos punta kami ng LA (Los Angeles), tapos uwi na. Pero ’yung cruise ang pinaka-exciting kasi five nights. Tapos, every night daw, mayroong show.”

Sila lang daw mag-iina ang aalis at hindi kasama ang asawang si James dahil may laro ito ng basketball. Babalik sila ng July 31 in time para sa babang-luksa o first death anniversary ng ina niyang si former President Cory Aquino sa Aug. 1.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES