Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, June 11, 2010

Kris Aquino, magsisilbing cheerleader ni Noynoy

Isinantabi muna ni Kris Aquino ang taping niya ng Kung Tayo’y Magkakalayo last Wednesday para dumalo sa makasaysayang proklamasyon ng kapatid na si President-elect Noynoy Aquino.

Kasama ang tatlo pang kapatid na babae na sina Ballsy, Pinky at Viel, sinaksihan nila ang proclamation bilang bahagi ng never-ending support sa kapatid na nahalal bilang pangulo ng bansa.

Nakapanayam ng TV Patrol ang magkapatid na Ballsy at Kris sa naturang proclamation at doon ay pareho nilang nilinaw na wala silang magiging opisyal na papel sa Gabinete ng bagong pangulo, pero mananatili silang nasa tabi ng kapatid sa kung anumang ipag-uutos nito.

Ayon kay Ballsy, siya ang magsasabi kung ano ang mga dapat sabihin sa bagong presidente na hindi masabi ng ibang nakapaligid sa kanya.

“’Pag Pangulo ka na kasi, ’yung ibang tao, hindi masabi sa ’yo ’yung mga pangit na balita, ’yung bad news, inaaasahan niyang kami ang magsasabi sa kanya nu’n,” pahayag ni Ballsy.

On the other hand, ayon kay Kris, siya naman ang magsisilbing cheerleader ni Pres. Noynoy.

“Alam din namin na when you’re president, ang dami-raming batikos, so, paminsan-minsan, kailangan mo ring marinig na you’re doing a good job most especially doon sa mga taong nagmamahal sa ’yo.

“And ako, I’m a positive person, like ’pag feeling ko, ang ganda ng speech niya, ang ganda ng pagkasagot niya, tine-text ko siya agad.

“’Pag feeling ko, pogi siya that day, nagte-text din ako. Kasi, kailangan naman talaga, may balance tayo.

“So, si Ate (Ballsy) kasi, because she’s older, kaya niyang sabihin ’yon. Pero ako, ang magiging role ko talaga in life para kay Noy is to be his cheerleader and sinabi ko nga, from this day forward, obedient na ako sa kanya,” pahayag naman ni Kris.

Sinagot din ni Tetay ang tungkol sa issue ng pagpili ng Gabinete from showbiz at ayon sa “Presidential Sister,” na kay Pres. Noynoy pa rin ang final decision.

“And ang ipinagdarasal ko lang sana, bigyan ng pagkakataon ng mga tao ’yung mga gusto talagang sincere ang paninilbihan na ibigay sa bayan natin.

“As of now naman, wala pa naman talagang natatalaga si Noy, binubuo pa niya, but I do know na meron siyang mga nilapitan lalo na when it comes naman to affairs for the youth and lalo na sa arts na makakatulong naman talaga siguro kung galing sa mundo namin,” say pa ni Kris.

But she also stressed na they will be forever grateful sa mga artistang tumulong sa kanila sa simula pa lang.

“Kaya kagabi, pinatawagan niya sa akin sina Ogie Alcasid, sina Dingdong Dantes, pero it’s really up to Noy and I think, it would also be based on public sensibilities and sensitivities,” Kris said.

Tungkol naman sa pagsa-suggest niya kay Noy na si Boy Abunda ang maging DoT secretary, ayon sa actress-TV host, gusto na niyang lagyan ng tuldok ang issue dahil sa rami ng batikos na tinanggap ng kanyang best friend.

“Inamin ko naman ’yon sa The Buzz na sa akin nagsimula, pero alam mo, nagsimula at nagwakas ang usapan between Boy and Noynoy.

“Unfortunately, in an interview, nabanggit ni Noy ang pangalan ni Boy even after the initial talks already died down.

“So, let’s give Boy a break kasi hindi naman niya tinanggap, hindi natuloy and alam ko rin naman talaga na marami ang nanindigan at nagsabi rin na merong maitutulong si Boy Abunda sa ating bayan,” pahayag ni Kris.

Tungkol sa pagbibitiw niya sa kanyang mga talk show, aniya ay meron na lang siyang 18 days to go sa SNN at The Buzz, three more weeks sa KTM habang ang Pilipinas Got Talent naman, magtatapos na ngayong weekend.

“ABS-CBN will have new shows, hopefully, for me pagbalik ko dahil ibabakasyon ko naman ’yung mga anak ko muna.”

Kahapon, nasa Tarlac si Kris para sa kanyang advocacy na tumulong sa mga mag-aaral.

Ipinaalam daw niya kay Pres. Noy ang kanyang proyekto at natutuwa naman siya na pinayagan siya ng kapatid.

Namahagi si Kris ng school supplies sa may 2,000 students at nakatakda rin siyang pumunta sa iba’t iba pang lugar sa bansa para sa naturang adbokasiya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES