Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, June 06, 2010

Manny ‘ipinipilit’ ang sarili na maging host ng Wowowee

NAPAG-ALAMAN na-min kay Wowowee business unit head Jay Montelibano na si Manny Pacquiao pala ang may gustong mag-host kahit man lang isang linggo sa noontime show ng ABS-CBN.

Ayon kay Sir Jay, nagpasabi si Manny thru Dyan Castillejo, ang host ng Sports Unlimited. Nagkausap sila ni Manny at sinabi niya sa People’s Champ cum congressman ng Saranggani na ayusin ang schedule niya sa GMA7.

“Ang alam ko may show siya (Manny) sa kabila. Hindi ko lang alam kung may kontrata siya, kaya sabi ko ayusin niya ang schedule nang sa ganu’n ay hindi magkaproblema. Mahirap na kasi, eh. Pero gustung-gusto raw talaga ni-yang mag-host sa Wowo-wee, alam kasi niya na marami ang nanonood na kanyang mga kababayan sa GenSan. Si Mommy Dionisia (ina ni Pacman) tuwang-tuwa nga kapag nasa programa,” tsika sa amin ni Sir Jay.

Kasalukuyang nasa Amerika si Manny, pero tatawag daw ito sa kanya as soon as dumating sa ‘Pinas para mag-usap sila ulit.

Kung matutuloy daw ang paghu-host ni Pacman, andiyan naman daw ang lady hosts ng Wowowee -- Mariel Rodriguez, Pokwang, Valerie Concepcion para alalayan si Manny.

Hindi rin naniniwala si Sir Jay na nag-single digit sa rating ang Wowowee nang ang Kanto Boys na sina John Lloyd Cruz, Billy Crawford at Luis Manzano (without Vhong Navarro) ang nag-host after ni Robin Padilla.

Kinumusta rin namin ang tungkol kay Willie Revillame.

“He’s on vacation,” maikling sagot nito.

Hindi raw niya alam kung after August or September ay babalik na ang TV host sa Wowowee. Mag-uusap daw kasi ulit ang magkabilang panig at depende kung ano ang mapag-uusapan. Marami pa ring naghahanap kay Willie sa Wowowee lalung-lalo na ang TFC subscriber. bagaman enjoy sila sa special host-guests ng show, iba pa rin daw kapag si Willie ang host.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES