Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, June 20, 2010

Mariel muling ‘pinasigla’ ang puso ni Robin

IKINAGULAT ni Robin Padilla ang lumabas na tsikang diumano’y sinugod niya si PJ Valero sa bahay nito para sitahin sa panliligaw sa anak na si Queenie.

Ayon kay Binoe, natural lang sa isang ama na tulad niya na protektahan at pangalagaan ang kapakanan ng kanilang anak.

Pero iginiit niyang hindi niya sinugod si PJ kundi maayos raw silang nagkausap at walang gulong nangyari.

“Natural lang sa tatay ’yun. Hindi naman komprontasyon ’yun. Natural lang na lahat ng tatay siguro gagawin ’yun,” say ni Robin

Sinabi raw ni Binoe kay PJ na kapag kailangan, gusto ng action star na pumunta ito sa Liwanag ng Kapayapaan Foundation, at alamin daw nito kung ano ang Diyos nila. ’Yun lang daw.

“Sana maintindihan naman niya ako. Tatay ako, eh,” dagdag pa ni Binoe.

Muli ring ipinagdiinan ni Robin na walang namamagitan sa kanila ni Mariel Rodriquez. Pero hindi niya ikinaila na muling sumigla ang puso niya nang makilala si Mariel.

Alam daw ni Binoe na may boyfriend si Mariel at wala siyang karapatan saklawan ito, maliban na lang kung sa alaga ni Boy Abunda mismo manggaling na hiwalay na sila ni Zanjoe Marudo.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES