Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, June 15, 2010

Pinoy Big Brother Teen Clash Big Night

Sa paglabas ng Pinoy teen housemate na si Tricia Santos sa Bahay ni Kuya, mas uminit pa ang labanan para sa titulong Teen Big Winner ng “Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010.”

Noong Linggo (Hunyo 13) nagharap ang mga supporters ng mga Pinoy at Teen-ternational housemates upang pagdebatehan ang iba’t ibang isyu sa season na ito tulad ng aling grupo ang mas disiplinado, mas nagbigay ng saya, mas nagpakita ng leadership skills at mas deserving na manalo.

Para sa Team Pinoy naroon si Mikee Lee mulas PBB Teen Edition Season One, mga debater ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, at DJ Charlie ng Tambayan 101.9 Sa kabila manan sina Rona Libby ng PBB Teen Edition Plus, mga debater ng UP Diliman at DJ Mojo Jojo ng Magic 89.9.

Tinira ng Team Pinoy ang hindi paglilinis ng kusina ng mga Teen-ternationals pero pinuna naman ng Team Teen-ternational ang pangba-backstab ng kabilang grupo. At ang huling paksa sa debate, nanindigan ang Team Pinoy na dapat ay Pilipino ang manalo ng titulo dahil para saan pa't naging Pinoy Big Brother ang ang programa.

Ang sagot naman ng Team Teenternational, hindi sa dugo nasusukat ang pagiging isang Pilipino, kundi nasa kilos at gawa.

Samantala, simula na ng botohan para sa Teen Big Winner. Sino kina Ann, Bret, Devon, Fretzie, Ivan, James, Jenny at Ryan ang gusto mong manalo sa edisyong ito. To vote via mobile, mag-text lang ng BB (space) NAME OF HOUSEMATE at i-send sa 2331 para sa Globe, Sun Cellular, TM at Bayan Wireless Subscribers, at 231 para sa Smart at Talk N’ Text subscribers.

Huwag bibitiw sa huling 11 araw ng “PBB Teen Clash of 2010.” Samahan sina Mariel Rodriguez sa “Uber,” Toni Gonzaga sa primetime at Bianca Gonzalez para sa “PBB Updates.”

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES