Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, June 29, 2010

Pokwang at Ai-Ai friends na dahil kay Kris

TUWANG-TUWA si Pokwang lately, aside from the fact na “nakakapag-show” na raw siya nang “hindi de-kahon” sa Wowowee, sobrang friends na raw sila ni Ai-Ai delas Alas ngayon.

“Alam mo, marse,” tawag sa amin ni Pokey, “Textmate na kami ngayon ni Ms. Ai, kaya ang saya-saya ko!”

Si Kris Aquino ang “susi” kung bakit nagkatagpo, nagkausap, nagkapaliwanagan at ngayon ay magkaibigan na sina Ai-Ai at Pokwang.

“Si Ms. Kris ang nag-set ng pagkikita namin ni Ms. Ai. Ako ang nauna sa Taste Of L.A. Hindi pa dumarating si Ms. Ai, nandiyang kabugin na ang dibdib ko, hindi na ‘ko mapakali, kasi siyempre, ang iniisip ko, baka isnabin lang ako, gano’n.

“Hanggang nu’ng dumating na si Ms. Ai, ang bati talaga niya sa akin with matching tili, ‘O, kumusta ka na? Ano na’ng balita sa ‘yo?!’ Ayun, nagkayakapan na kami nang mahigpit. Nagkaiyakan pa. Na-touch ako sa kanya, kasi, sabi niya sa akin, ‘wag ko daw intindihin ‘yung mga naglalabasan, gano’n lang daw talaga dito sa showbiz.

“Juice ko, marse, ang agang pamasko sa akin no’n, sa totoo lang, kaya ang saya-saya ko!”

Sa sobrang saya ni Pokey, biglang bumunot sa kanyang bag ng “That’s Entertainment” at sabay abot sa amin, “O, ayan, panggatas ng inaanak ko!”

Hahaha! Natawa kami, kasi, ‘yun din ang dayalog sa amin ng aming Kumareng Ai-Ai pag merong gustong ipabigay sa aming anak. Hehehe.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES