Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, June 04, 2010

Queenie Padilla ibinuko si Robin Padilla

Isa si Queenie Padilla sa mga ipinakilalang bagong cast member ng Momay sa presscon sa 14th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN nu’ng Miyerkules.

Yes, Kapamilya na nga ang panganay na anak ni Robin Padilla na matatandaang unang nasilayan sa GMA-7 via Totoy Bato na pinagbidahan din ni Binoe.

Simple lang ang sagot ni Queenie nang tanungin kung bakit siya lumipat ng network.

Aniya, kung nasaan ang kanyang ama, doon siya.

Sa Momay, pinagbibidahan ng child star na si Xyriel Manabat, gagampanan ni Queenie ang papel na manghuhula at love interest siya ni Ejay Falcon. Masayang-masaya raw siya na nabigyan ng pagkakataon ng ABS-CBN para ipakita ang kakayahan at ibibigay niya raw ang best niya para hindi masayang ang ibinigay na opportunity.

Sinamantala na rin ng working press ang pagkakataon para mahingan ng pahayag si Queenie tungkol sa pagkaka-link ng ama niya kay Mariel Rodriguez.

“Basta kung saan po happy si Papa, happy na rin po ako,” she said.

How does she find Mariel?

“Hindi pa po kami nagkakakilala, eh. Pero kung magkikita po kami, igi-greet ko po siya,” say niya.

Wala pa naman daw nababanggit ang Papa niya sa kanya na nililigawan nito si Mariel but she revealed na may napapansin lang siya rito.

“Kasi, ever since magkakilala sila, hindi na po siya umuuwi nang madalas,” pagbubulgar ni Queenie.

So, na kay Mariel ang Papa niya kapag hindi ito umuuwi?

“Siguro po, hindi ko alam. Siguro po, nagde-date,” kaswal niyang sabi.

Sinabi rin ng dalaga na base sa obserbasyon niya, masaya ang Papa niya at ito raw ang first time na nagpakita ng interest sa isang girl ang ama matapos ang separation nito sa kanyang inang si Liezl Sicangco.

“Kasi, dati, siyempre, malungkot siya sa nangyari, ganu’n.”

Natanong din kay Queenie ang reaksyon niya sa pagkakadawit ng pangalan ni Iza Calzado sa hiwalayan ng parents niya. Diumano, ang aktres daw ang third party.

“Wala po akong alam doon, eh. Never heard of it,” aniya.

We also learned from Queenie na three years nang divorced ang parents niya at natanggap na rin daw niya ang mga nangyari.

As we all know, may bago nang asawa ang mommy niya at ayon sa dalaga, mabait daw ang guy at daddy ang tawag niya rito.

Open din siya sa possibility na magkakaroon din ng bagong girlfriend o asawa ang ama at ang mensahe lang niyang nais iparating sa girl kung sinuman siya ay “basta po, alagaan niya ang Papa ko at huwag niyang lokohin.”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 10:05 PM, Anonymous data capture outsourcing said...

Who's queenie?

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES