Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, June 20, 2010

Sam Milby and Marie Digby, dating?

Ayon kay Jomari Yllana, he’s not a bit affected nang mabalitaan niyang nagde-date na sina Sam Milby at Marie Digby.

Matatandaan kasing unang na-meet ni Jom kaysa kay Sam si Marie nang ipag-produce ito ng Fearless Productions ng concert last year sa ’Pinas.

Kung tutuusin, si Jom talaga ang nagpakilala kay Marie sa mga Pinoy dahil that time ay hindi pa ganu’n katindi ang kasikatan ng nasabing acoustic singer although in fairness, may name na rin naman at sikat na sikat sa You Tube.

Pero ang naging relasyon lang daw talaga ni Marie noon ay purely professional at wala raw talagang romantic angle.

Masaya raw siya for Marie and Sam at wala siyang nararamdamang kahit anong selos factor although nagbiro siya ng “una siyang naging akin.”

But then, matagal na rin daw silang walang communication ni Marie since may kanya-kanya naman silang buhay,

Sa ngayon ay busy na naman ang Fearless Productions nina Jom at Ronald sa darating nilang concert, this time, hold your breath dahil ang sikat na sikat na American Black singer na si Usher ang kanilang dadalhin dito sa Manila.

Titled Usher: Live in Manila, gaganapin ang concert sa July 9, 2010 sa Mall of Asia concert grounds.

Ayon kay Jom, so far, ito raw ang pinakamalaki at pinakamadugo nilang foreign artist concert dahil sa mahal ng TF ni Usher. Pero confident siya na magiging successful ang concert dahil first time sa ’Pinas ng nasabing singer aside from the fact na napakarami ngang following nito.

Darating si Usher sa bansa ng July 8 at ina-arrange pa ni Jom kung pwede pa itong makapag-guest sa mga TV shows ng GMA-7 na siyang media partner nila.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES