Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, June 08, 2010

Sam Milby updates

SA kabila ng kanyang hectic schedules, naisingit ni Sam Milby ang dumalo sa opening ng bagong Mang Inasal Restaurant branch ni Jobert Sucaldito and Fely dela Cruz sa Market Place sa Kalentong held last Sunday.

Kasama si Katrina Halili ay nag-motorcade pa sila sa area kaya naman nagkatra-pik-trapik ang Kalentong nang hapong iyon at di-numog talaga sila ng mga tao.

Siyempre, sinamantala na namin ang pagkakataon na makapanayam si Sam nang hapong iyon lalo pa nga’t napakaraming issue ngayon sa kanya.

Una naming nilinaw ang tungkol sa pagkaka-link nila ng You Tube sensation at acoustic singer na si Marie Digby.

Ayon kay Sam, noon pa ay fan na siya ni Marie dahil bukod sa very pretty raw ito ay magaling pang acoustic singer. He followed her on Tweeter and after a while ay nag-follow na rin daw ito sa kanya.

Paano sila nagkakilala?

“Through KC (Concep-cion) pero thru Tweeter actually. It was February, pina-follow niya ako pero nauna na akong mag-follow sa kanya, and then, ayun na, nagse-send na kami ng mga messages sa Tweeter,” say ni Sam.

Nang nagdaos si Sam ng kaarawan last May ay dumating si Marie sa ’Pinas pero ayon sa aktor, nataon lang daw talaga ang pagbisita nito sa kanyang kaarawan.

“Actually, she was in Japan and she wanted to visit the Philippines and it happened to be around my b-day,” paliwanag niya.

During those time na narito sa Pinas si Marie ay silang dalawa ni Sam ang magkasama at nagpunta pa sila ng Boracay.

“Yeah, we went to Bora, one day lang kami doon. She was here tapos I had two days off since it was my birthday, so parang it’s nice to show her to a nice place.”

Nilinaw ng aktor ang tsismis na magkasama silang nag-stay sa isang room sa Bora. Magkahiwalay daw sila siyempre ng kuwarto. “Same place but it wasn’t the same room,” aniya.

Bukod sa Bora ay dinala rin daw niya ang singer sa Antonio’s, Tagaytay at aminado si Sam na sobrang nag-e-enjoy siya sa company ni Marie.

“Marie is one of the nicest people that I’ve ever met, she’s really pure-hearted. Isa siyang pinakamabait na tao na nakilala ko ever,” aniya.

Aminado rin si Sam na dating sila ngayon ni Marie pero aniya ay mahirap din para sa kanila dahil sa U.S. nga naman ito nakatira at siya ay nandito sa ’Pinas.

“We’re getting to know each other, we haven’t known each other for long, and dalawang beses pa lang kaming nag-date, siyempre, mahirap din because nandu’n siya sa States, nandito ako.

“I mean, kelan ulit ang susunod na beses na magkikita kami? So, medyo mahirap. It’s the first time that I’ve been seeing a person who’s overseas. Basta we enjoy lang, no expectations, no commitment, ganu’n lang,” pagtatapos ng Fil-am actor.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES