Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, June 24, 2010

Sarah Geronimo inoperan ng malaking TF para lumipat sa Siyete?

MAY nagtsika sa amin na kaya hindi na lumalabas sa ASAP XV si Sarah Geronimo dahil tapos na ang kontrata niya sa ABS-CBN at pinag-iisipan daw ni Boss Vic del Rosario, bilang ma-nager ng singer-actress, kung papi-pirmahin pa ulit ng kontrata si Sarah sa Dos.

Diumano’y may offer ang GMA7 kay Sarah and five times higher daw ang magiging talent fee (TF) ng young singer/actress.

Pero sa kasikatan nga-yon ni Sarah (if ever na totoo nga na may offer ang Siyete kay Sarah), posibleng tapatan ng Dos ang talent fee na hinihingi diumano nito sa GMA7. Anyway, hihintayin namin ang reaction ng GMA7 management kung totoong may pag-uusap between Vic del Rosario and Kapuso Network.

Right now, ang alam namin, Viva big boss Vic del Rosario is closely monitoring ang Hating Kapatid movie nina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo dahil ito ang first team-up ng da-lawang sikat na aktres.

Boss Vic is excited, lalo na sa kanyang alagang si Sa-rah dahil dito mapatutuna-yan kung sadyang magaling na aktres ang alaga. Ito rin ang unang pagkakataon na makakapareha ni Sarah si Luis Manzano. Ayon nga sa mga taga-Viva, base raw sa rushes ng napanood nila, the new team-up has the making of a winner dahil may kilig factor ang da-lawa.

Samantala, wala sa bansa si Sarah at sa June 28 pa ang dating kaya hindi siya nakarating sa awarding ceremony ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation last June 22 para tanggapin ang second Box Office Queen award para sa pelikula niyang You Changed My Life.

Tsika pa sa amin, pagdating ni Sarah ay may sisimulan siyang tele-serye sa ABS-CBN kasama sina Sam Milby at Matteo Guidicelli,

Kung totoo ito, tila hindi nagkasundo ang Siyete at Viva big boss Vic del Rosario para maging Kapuso si Sarah.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES