Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, June 03, 2010

Vice Ganda has more than 1 million Facebook fans

Simula nang pakawalan ni Vice Ganda ang mga nakakatawa niyang one-liner dialogues sa Showtime, walang dudang nabuhay muli ang kanyang career.

Dahil hit na hit, tanging si Vice lang ang nagkaroon ng record sa Facebook na kauna-unahang local entertainer na umabot sa 1,000,000 ang mga fans at kaibigan.

Patok din ang major concert niya sa Araneta Coliseum kamakailan.

Pero kaya ng sikat na komedyante na magbigay-saya pa sa mga kaibigan sa industriya kaya sa two-night concert ni Gabby Concepcion sa Music Museum, special guest si Vice.

Ang Gabby’ng K Ganda concert na gaganapin sa July 2 and 3, 8 p.m. ay mag­tatampok din sa marami pang sorpresa. Hinuhulaang magpapaunlak ang mga dalagang anak ni Gabby.

Heto pa, makikipagsabayan sa galing sa pagkanta at pagpapatawa si K Brosas kay Vice kaya inaasahang mas riot ang concert.

Ang Gabby’ng K Ganda ay produced ng Front Media Entertainment
at mabibili na ang mga tiket sa TicketWorld (891-9999) outlets, National Bookstores, Robinsons Department Stores, and Malls, Ayala Malls, at sa Music Museum (721-0635, 425-7077).

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES