Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, June 10, 2010

Word war nina Angelica, Gretchen tumitindi

AMOY word war at parehong palaban sina Angelica Panganiban at Gretchen Barretto.

Mainit ang mga naging pahayag ng dalawa sa The Buzz nu’ng Linggo. Playful si Greta at halatang iniinis niya si Angelica.

Magkasama sina Gretchen at Derek Ramsay sa teleseryeng Magkaribal kaya nagiging close sina Derek at Greta sa isa’t isa.

Noon pa man ay aminado na si Gretchen na “like” na niya si Derek, pero in fairness, hanggang doon lang naman ‘yun.

Knows ni Greta na very much in a relationship si Derek with Angelica.

Pero dahil paalis sina Derek at Angelica papuntang South Africa soon, agad na sinabi ni Greta sa interbyu na mami-miss ni-ya si Derek habang pangiti-ngiti lang sa tabi niya ang aktor.

Pahabol pa ni Greta, sana raw ay padalhan siya ng pictures ni Derek.

“Solo pictures mo lang, ha? Ayoko ng may kasama…” words to that effect na say ni Gretchen na expected na ikare-react ni Angelica.

Knowing Greta, kung magre-react ka sa kanya, hindi rin siya magpapa-kabog.

True nga at agad namang pinatulan ni Angelica ang statement ni Greta.

Sa Twitter account ay nag-post si Angel ng: “Taraaaay... Single ka, teh?!”

Nang itinanong sa kanya kung si Greta ba ang pinatutungkulan ng kanyang post, say ni Angelika na bahala na raw ang mga tao kung sino ang gusto nilang tukuyin.

May isa pang Tweet si Angelica saying: “Totoo nga, nakakaloka pala talaga! Hindi ka ba masaya?” na obvious na irititado na siya.

Diretsahan ding sinabi ni Angel na walang solo pictures si Derek kasi dahil double na sila. Araaaay ko!

Si Greta naman ayaw pa ring paawat at inulit na talagang mami-miss pa rin daw niya si Derek at hihintayin ang aktor sa pagbabalik nito.

Sa hiwalay na panayam, kinuha ang reaksyon ni Greta tungkol sa pagtataray sa kanya ni Angelica.

“Lovie, defend me, inaaway niya ako! Oh... You want war, I’ll give you war! I’ll be there with my stilletos. Ako si Victoria (karakter niya sa Magkaribal) ang babaing palaban!” say pa ni Gretchen.

Haaay, playful at palaban si Gretchen kaya kung magpapatalo ka sa kanya, ikaw lang ang kawawa.

Sa gitna nito, ang talaga namang naiipit ay si Derek. Hindi niya malaman kung sino sa dalawa ang papanigan. Ang nobyang si Angelica o ang kaparehang si Gretchen na alam niyang hanggang teleserye lang naman sila?

Well, hanggang teleserye nga lang kaya?

Tulad ng komento ng marami, ang guwapu-guwapo naman kasi ni Derek, sobra!

‘Yun na!

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES