Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, July 17, 2010

Abogado ni Kris Aquino, ignorante?

SABI ng lawyer ni Kris Aquino, hihilingin daw nila sa korte na hindi legal separation, tulad ng nauna nilang sinabi, kungdi “declaration of nullity” lamang.

At natawa kami sa sinabi niyang hindi ito annulment.

Mukhang confused ang abogado ni Kris sa gusto nilang hingin sa korte para sa kapatid ni President Noynoy. Kasi ang annulment, ito ay isang deklarasyon na ang kasal, bagaman isinagawa nga ay walang bisa sa simula’t simula.

Habang ang declaration of nullity, sinasabi mong sa simula’t simula ay wala itong bisa.

Mukhang ang akala yata ng abogado ni Kris, ang annulment ay kagaya ng divorce, na ang kasal na valid ay pinawawalang-bisa.

Hindi rin naman niya na-ipaliwanag sa kanyang statement kung bakit nasabi ni-yang ang kasal ni Kris kay James Yap ay walang bisa sa simula’t simula.

Kung iyon ay walang bisa sa simula pa lang, sino ang may kagagawan para mangyari ang kasal na iyon na wala palang bisa?

Ang kasalan ay ginanap pa sa tahanan ng TV host na si Boy Abunda, na alam naman nating malapit na kaibigan ni Kris. Ang nagsagawa ng kasal ay ang da-ting mayor at ngayon ay Cong. Feliciano Belmonte, na alam naman nating ma-lapit din sa pamilya ni Kris.

Kung ang mga taong involved sa kasalang iyon ay puro kapartido ni Kris, mapagbibintangan ba si Ja-mes na may kasalanan kung bakit naisagawa ang kasal na sinasabi ngayon ng lawyer ni Kris na wala palang bisa sa simula pa lang?

At ano ang dahilan para sabihin niyang iyon ay walang bisa sa simula’t simula? Kung iyon nga ay talagang walang bisa, sasabihin ba nila iyon kung naging maayos ang pagsasama nina Kris at James o itatago na nila ang sinasabi nila nga-yong walang bisang kasalan?

Napag-uusapan lang natin ang mga bagay na ito kasi balak pa lang naman nilang isampa ito sa korte at hindi pa naman talaga naisasampa pa.

At kami ay nagtatanong lang naman.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 7:23 AM, Anonymous Anonymous said...

Eh di bastardo ang labas ni James kasi lalabas na out of wedlock siya ibinunga. Masyadong ma arte si Kris at dinadaan niya sa pagiging kapatid ng presidente ngayon. Kung ano man ang mga pinagdaaanan nla may kasalanan din siya at napakadaldal niya. Kawawang James. Buti nga pinatulan pa niya si Kris.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES