Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, July 29, 2010

ABS-CBN, naloka sa demand letter ni Willie!

AMINADO si Pokwang na talagang kinakabahan siya kung siya ba ay matatanggal o mare-retain pagbalik ni Willie Revillame sa Wowowee.

"Para kaming nangangapa sa dilim, sa totoo lang. As in bahala na si Batman. Pero ngayon, nakahinga na talaga ako nang maluwag!"

Wala na ang Wowowee at ang kapalit na nito'y ang Pilipinas Win na Win.

Sina Kris Aquino at Robin Padilla na nga ang main hosts at sina Mariel Rodriguez, Pokwang at Valerie Concepcion ang co-hosts. Si RR Enriquez, ba't tila hindi kasama sa line-up?

"Ewan ko, kasi, ang alam ko, nakabili na siya ng ticket papuntang U.S. for one month, eh. Bakasyon niya," info ni Pokwang.

"Pero alam mo, sobrang touched na touched ako kay Ai-Ai (de las Alas). Siya ang unang texter ko nu'ng umaga at siya ang nagpapalakas ng loob ko, sa totoo lang. Very inspiring ang messages niya, kaya sobrang thankful ako sa kanya!"

So, excited na ba siya sa new show?

"Naman! Naman! Naman!"

'Yun na! 'Yun na! 'Yun na!

* * *

SAMANTALA, personal request ni Kris ang lagyan ng "Pilipinas" ang title ng bagong noontime show niya.

"Kasi, suwerte si Kris ’pag may Pilipinas, kaya sinunod ang request niya," sey naman ng isa naming source.

Alam na ng aming source na magkakaroon ng kulay ngayong si Kris na ang bida sa noontime.

"I'm sure," patuloy pa ng aming source, "sasabihin, dahil nanalo si Noynoy, kaya siya na ang noontime queen at si Willie, eh, lost ang pambatong si Villar!

"Hindi gano'n 'yon. Sina Robin at Kris ay kapuwa advertiser-friendly. Ang dami rin nilang commercials, kaya we are so sure na hindi lang naman si Willie ang mahal ng masa at ng mga advertiser.

"Saka ang daming e-mails na nakukuha ang management mula nu'ng kumalat na babalik na siya sa July 31. Ayaw ng mga tao, grabe! Ang bottomline pa rin is kagandahang-asal sa harap ng kamera na nakalimutan ni Willie."

Pinatotohanan din ng aming source na may kundisyon si Willie kung sakaling ito'y babalik.

Una, marami ang dapat na mawala (dalawa na rito sina Pokwang at Mariel).

“At sa demand letter niya sa management, kapatid, nakakalokah. Ayoko na lang idetalye, pero para mag-come-up ang management ng new show, dahil hindi kinaya ang demands niya, malolokah ka ’pag nalaman mo.

"Isa pang ikina-turn-off ng management, eh, lahat na lang ng sikretong meeting at pinag-usapan, nasa diyaryo na imbes na isikreto lang muna. So, hanggang diyan na lang muna at 'yung mga staff, nagre-rejoice ngayon!"

Ayaw naming magbigay ng aming opinyon o judgment ngayon. Bukas ang aming kolum para sa panig ni Willie Revillame.

* * *

SO, totoo rin ba na nakipag-meeting na rin si Willie sa management ng GMA-7?

Niluluto raw ngayon ang isang game show bago mag-24 Oras na ang sabi ng aming kausap ay abangan na lamang kung matutuloy.

Totoo rin ba na may signing bonus agad ang GMA-7 na P100 million kay Willie at bonggang-bonggang P8 million a month na suweldo?

Kung totoo man ito, aba'y sino ba naman ang hindi mawiwili?

Kung totoo man, paghusayan at pag-ingatan na ito ni Willie, dahil alam naming meron pa siyang "asim" sa masa.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

2 Comments:

At 4:29 PM, Anonymous Anonymous said...

goodluck willie,,we always here for you..dati never ako nanood ng 7 kasi ayaw ko talaga sa kanila..Now ang idol ko ay sa 7 na, kaya susundan ko sya..Family ko at mga relatives nakakatuwa nung sinabi kung babalik si willie, subrang masaya reaction nila kc busog ang lunch time nila w/ willie palagi dati..now disappointed sila kahit si cris pa at robin ang kapalit..haaayyy naman kasi

 
At 11:19 AM, Anonymous Anonymous said...

ang mga relatives ko at mga kaibigan ay nagustuhan ang style ni willie. hinihintay nila siya. kahit saan siya pupunta, they're there for him dahil he's down to earth at napapasaya niya ang tao rich or poor. To be fair, I watched Pilipinas Win na Win and noticed na malayong-malayo sa Wowowie, they were all fake...Sorry!

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES