Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, July 10, 2010

Akting ni Rafael Rosell nilait ni Direk Cathy

Parang papatak ang luha ni Rafael Rosell sa rebelasyon ni Direk Cathy Molina-Garcia na ayaw niya sa aktor noong unang malaman niyang to ang magiging bidang aktor sa PHR Pre­sents Martha Cecilia’s Midnight Phantom!

Say ni Direk Cathy, talagang ayaw niya kay Rafael dahil hindi ito marunong umarte. Kaya natuwa pa raw si Direk nang pansaman­talang na-freezed ang project. Pero after several months, nag-resume ang taping. Pero nagu­lantang na naman si Direk Cathy na si Rafa­el pa rin ang bidang aktor. Ang buong akala niya eh napalitan na ang aktor dahil hindi nga raw siya naga­galingan dito. Pero walang nagawa si Direk Cathy, dahil si Rafael daw talaga ang naka-assign na nasabing episode ng Precious Hearts Romance sagot ng production sa direktora.

At dahil wala siyang nagawa, nagtrabaho sila. At habang nagta-trabaho sila, doon niya nadiskubre na gumaling na ito bilang aktor.

Ngayon, magkaibigan na ang dalawa at natapos ng maayos ang taping nila.

Dahil na-delay nga, inabot ng paglaki ng tiyan ni Ina Raymundo ang taping nila. Yup, next month ay due na si Ina sa pang-apat niyang anak.

Anyway, halaw sa obra ng batikang pocketbook writer na si Martha Cecilia at sa ila­lim ng direksiyon nga ng multi-awarded box office director na si Cathy Garcia-Molina, ang PHR presents Martha Cecilia’s Midnight Phan­tom ay pagbibidahan din ni Denise Laurel. Baga­ma’t ilang beses nang itinampok sa mga PHR series tulad ng Bud Brothers, You’re Mine Only Mine at Substitute Bride, kung saan may kanya-kanya silang ka-loveteam, ang Midnight Phantom ang kauna-unahang TV drama series nina Rafael at Denise bilang onscreen tandem, isang tambalang matagal nang hinihintay ng mga tagasuporta ng dalawa.

Tungkol ito sa isang misteryosong radio DJ na si Brandon (Rafael) na mas kilala sa publiko bilang si Midnight Phantom. Tampok sa istorya ang kanyang madilim na nakaraan at ang kasalukuyan niyang puno ng misteryo. Bilang sikat na DJ, isang kolehiyalang nagngangalang Nadja (Denise) ang mai-in love sa boses niya at gagawin ang lahat makilala lamang siya. Dahil dito, nagawang mapapayag agad ni Brandon ang dalaga na sumama sa kanya pa­tungong Phantom Island, kung saan isang sikreto ang mabubunyag at magbabago ng buhay nilang dalawa.

Kapwa excited sina Rafael at Denise sa nala­lapit nang pagpapalabas ng kanilang romantic-drama-suspense series.

Ayon kay Denise, kakaibang PHR ang Midnight Phantom. “It’s not your typical love story. Dito, maraming istoryang patung-patong, even the characters themselves discover and are surprised with the things that are laid out in front of them. The viewers, especially the young people, should watch it because we can learn something from this to avoid committing mistakes.”

Nang tanungin tungkol sa kanilang mga characters, maraming patikim tungkol sa istorya ang naibahagi nina Denise at Rafael. “Si Brandon ay sampung taong na-depress. Meron siyang malaking scar sa mukha na nagpapa­alala ng kanyang madilim na nakaraan. Chal­lenging ‘yung role kasi Brandon’s character is rough pero hindi bastos. He’s careless and full of mystery. And as Rafael, hindi ako ganun. Masayahin akong tao at very active. Kaya on-set kailangan ko i- adjust ang mood and character ko to Brandon,” ani Rafael.

Medyo nakaka-relate naman si Denise sa role niya na si Nadja. “We’re both very malam­bing. But unlike Nadja who is naïve and well-protected, I grew up strong and very independent.”

Kuwento pa ni Denise, naging madali para sa kanyang mahalin ang character niya dahil na rin sa tulong ni Raf. “Raf and I, we grew up as buddies since Ang TV days. At first, it was difficult to look at him as a leading man, and him to look at me as a leading lady since we knew each other for a long, long time. But it’s also because of that why we clicked. We work together as a loveteam. So we help each other out in days na puyat kami. We always guarded each other.”

Magsisimula itong mapanood sa July 12, 5:25 pm, bago ang Momay sa ABS-CBN.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES