Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, July 27, 2010

Angelica Panganiban ipinagtanggol ni Diether

Ayon kay Diether Ocampo, hindi raw totoo ang mga napapabalitang sakit ng ulo si Angelica Panganiban sa set ng Rubi.

“Hindi totoo ’yan, ako na ang nagsasabi sa inyo, matagal ko na siyang katra-baho, siya ang pinakama-gaan na nakatrabaho ko. Wala akong naging kaprob-le-problema (sa kanya) pagdating sa trabaho. Mas alam niya nga kasi nauna sa akin sa industriya ’yan. Bata pa lang siya, Ang TV (show) pa lang, artista na siya, so alam niya kung paano pahalagahan ang trabaho,” pagdedepensa ni Diet kay Rubi.

So, hindi totoo ang tsismis na nag-iinarte si Angelica sa set?

“Hindi! Ako mismo, I can vouch for that, nagkasama kami sa IIsa Pa Lamang, hanggang sa Rubi, eh, halos dalawang season ang itinakbo ng Rubi, eh, kaya ako, ang masasabi ko sa inyo, hindi ako makapagsasabi ng kahit anong pangit sa kanya dahil wala akong masasabi sa kanya kungdi puro papuri dahil napakagaling, of course, pagdating sa alindog, mayroon pa bang tatalo dyan?”

Last three weeks na lang ang serye at ayon kay Diet ay marami pa raw maiinit na eksena ang makikita ng televiewers.

“May mga revelations na mangyayari, ’yung karakter ko, ni Rubi, si Alejandro (Jake Cuenca) saka si Maribel (Shaina Magdayao), medyo intensed na talaga ang mga eksena namin. Lalo na ’yung final week, ako na nagsasabi sa inyo. Trinabaho talaga namin ang final week, medyo nahirapan talaga kami, medyo mabigat ang mga eksena, emotionally mabigat.”

Bukod sa Rubi, may dalawa ring movie si Diet na malapit nang ipalabas, ang Mamarazzi with Eugene Domingo na 50th anniversary offering ng Regal Films at ang Sa ’Yo Lamang na isa ring malaking pelikula under Star Cinema.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES