Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, July 10, 2010

‘Hating Kapatid,’ huling pelikula na ni Judy Ann Santos

Judy Ann Santos is enjoying her pregnancy to the max dahil siyempre, matagal na niya itong hinintay at napakarami raw na nagpe-pray for her at nagwi-wish for her na maging magaan ang kanyang pagbubuntis hanggang sa makapanganak.

Wala pang naiisip na name ang mag-asawang Juday at Ryan Agoncillo sa kanilang baby boy pero anang aktres ay malamang na magsimula ito sa letter L or J.

“I said J and L kasi, Johan is Johanna Louise, so most probably, maglalaro kami sa ganu’ng pangalan dahil we promised Johan and we told her na ’yung pangalan, isusunod namin sa kanya para meron din siyang alam mo ’yun, ’yung meron siyang participation sa buong proseso hanggang sa paglabas ng bata,” pahayag ni Juday nang makatsikahan namin sa presscon ng Hating Kapatid na movie nila ni Sarah Geronimo under Viva Films.

Kumusta naman ngayon si Ryan?

“Okay nama siya, very busy sa trabaho, hard-working father. Pero may mga times pa rin naman na nakakalabas pa rin naman kami. Hindi naman nawawala ang mga dates na ‘yun. May ganu’n pa rin.

“May mga flowers pa rin, pero alam niya kasi na pagkain talaga ang gusto ko ngayon, so, pag umuuwi sya, may dala-dala siyang pagkain. Alam niya kasi pag medaling-araw, doon ako nagugutom. So, para hindi na ako bababa ng kuwarto, pagdating niya galing sa trabaho, may dala na siyang food.”

Ang Hating Kapatid na ang last movie ni Juday ngayong taong ito since manganganak na nga siya sa October. Kung may trabaho pa raw na papasok, baka mga pictorials na lang at photo shoots.

“Kung may endorsement na pumasok, pwede pa, kung gusto nila akong i-shoot na ganito ako kalaki, bakit hindi, ’di ba? Pero most definitely, hindi na muna ako magteteleserye, siguro, one year muna akong magpapahinga sa TV, sa movie, baka din.

“Dedepende kasi ’yan kung makakabalik ba ako kaagad sa katawan ko right after I give birth, ’di ba? Pero ang masisigurado ko lang, hindi ako magmamadali, kasi, ang tagal kong hinintay ang pagdating ng baby, eh. So, ie-enjoy ko ’yung mga moments na nagbi-breast feed, nag-aalaga. ’yung nag-aalaga, ’yung paglaki ng bata. A year or so of taking a leave, baka.”

Right now ay may mga nagpaplano na raw ng baby showers for her pero halos kumpleto na rin siya sa gamit dahil namili na raw siya sa U.S. nang magbakasyon sila.

Siyempre, babalik pa rin siya sa showbiz pagkapanganak pero priority na siyempre ang pamilya.

“Basta kung kakayanin kong magtrabaho, magtatrabaho pa rin ako pero ang most of my time ay sa family talaga na since I’ve given a lot of time already in this business.”

Anyway, showing na ang Hating Kapatid sa July 14 mula sa direksyon ni Wenn Deramas.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 11:43 AM, Blogger Avon Luna said...

watch pinoy tv show here WATCH TV SHOW REPLAYS CLICK HERE

or download our android application here Philipine TV Replays android app

or download our apple application here Philipine TV Replays ios app

LIKE US : Facebook

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES