Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, July 09, 2010

Kris, no comment sa naging pahayag ng biyenan

Nagsalita na rin ang ina ni James Yap tungkol sa hiwalayan nila ni Kris Aquino.

Narinig namin last Sunday sa Paparazzi ang phone patch interview ni Mommy Annie Yap at sinabi ng butihing ina ni James na nalulungkot sila sa desisyon ni Kris na makipaghiwalay na sa anak nila.

Ipinagdiinan pa ni Mommy Annie, sana ay pag-isipan daw mabuti nina Kris at James ang tungkol sa desisyon nilang dalawa lalo pa’t may batang involved sa usaping ito.

Ilang ulit ding sinabi ni Mommy Annie kung gaano kabait si James bilang anak at kapatid and generous daw ang basketboslista, hindi lamang sa pamilya kundi pati na rin sa mga kababayan nila kapag umuwi sa kanilang bayan sa Escalante, Negros Occidental.

Malapit sa aming hometown sa Bacolod City ang lugar nina James pero ilang oras pa ang biyahe papunta sa kanila.

Anyway, sinabi pa Mommy Annie na sana ay huwag daw padalus-dalos sina Kris at James kasi kawawa naman si Baby James. Bata pa raw si Bimby para maunawaan ang pinagdadaan ng mga magulang.

Umaasa pa rin daw ang ina ni James na magbabago pa ang pasya ni Kris, as in, may balikan blues na magaganap for the sake ng apong si Baby James.

Pero ang latest na pinag-uusapan, walang reaction si Kris sa mga naging pahayag ng kanyang bi-yenan at at tuloy pa rin ang legal na hatian ng mga ari-arian nilang mag-asawa.

Balitang humingi na rin ng tulong si James kay Mother Lily Monteverde.

‘Yung isang bersyon ng kuwento ay para tulungan diumano siya kay Kris da-hil mahal na mahal pa niya ang asawa at ipaglalaban daw niya si Kris.

Ang second version, nagpapatulong daw si James para makakuha ng isang magaling na abogado para maisaayos na nga ang hatian ng properties nila ni Kris.

Alin man sa dalawa ang true, si James lang ang nakakaalam. Sa tingin namin, tama na nanahimik si Kris tungkol sa pahayag ng ina ni James.

Kaya lang, we find it unfair ‘pag sinasabi na couples should stay together dahil kawawang mga bata. A child is should not be a reason for a couple to stay. Mas nagiging unfair ito, hindi lang sa mag-asawa, kundi lalo na sa bata.

Sa puntong ito, bilib kami kay Kris, kasi buong tapang niyang pinanindigan ang desisyon, keber mang husgahan siya ng ibang tao.

‘Yun na!

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES