Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, July 11, 2010

Lovelife ni Sarah, buking ni Juday!

MAgdiriwang si Sarah Geronimo ng kanyang 22nd b-day on July 25 at kung meron siyang gustong bilhin para sa sarili niya, ito raw ay bagong sasakyan.

“Para po magkasya ’yung mga gamit, kasi, medyo maliit na ’yung ginagamit ko,” say niya nang makatsikahan namin sa presscon ng Hating Kapatid na unang pagsasama nila ni Judy Ann Santos.

Ang birthday wish naman daw niya ay happiness at magandang buhay para sa kanyang pamilya.

Nabanggit ni Juday sa presscon na nagko-confide sa kanya si Sarah when it comes to her love life kaya natanong si Sarah kung hindi ba siya nagko-confide sa kanyang ina.

“Si Mama, alam niya kahit hindi ako mag-confide sa kanya,” nakangiti niyang sabi.

“Si Mama naman kasi, ah... may mga bagay kasi na bilang dalaga, nahihiya ka or nahihirapan kang sabihin sa nanay mo. And I think that’s normal. Pero sabi ko nga, mas na-appreciate ko ‘yung pagiging protective niya ngayon at saka ng mga kapatid ko.”

Natanong din si Sarah kung may plano ba siyang mag-solo or mamuhay independently lalo na nga’t of age na rin siya at say niya, parang hindi raw niya ma-imagine ang sarili na namumuhay nang sarili at magsolo sa isang condo unit halimbawa.

“Hindi ko pa kaya, eh, parang marami pa akong kailangang pagdaanan para dumating sa estado na talagang independent ka na. Hopefully, unti-unti ’yan, matutunan ko ’yang mga ganyan.”

Si Sarah ay kilala rin bilang masunurin at mabait na anak kaya naman isa rin ito sa dahilan kung bakit pinagpapala siya ng Diyos at binibigyan ng maraming blessings.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES