Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, July 08, 2010

Noli ‘Kabayan’ De Castro Balik DZMM

Handa na ang buong bansa sa pagbabalik ni dating Vice President Noli ‘Kabayan’ De Castro sa radyo simula Lunes (Hulyo 12) ng umaga sa DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26).

Muling maghahatid ng pinakamainit na balita at serbisyo publiko si Kabayan mula Lunes hang­gang Biyernes, 5:00 a.m-7:00 a.m sa programang Kabayan: Kapangyarihan ng Mamamayan, Balita at Talakayan.

“Excited akong bumalik sa broadcasting dahil ito ang first and one true love ko. Sabik na rin ako sa magiging pagtanggap ng tao sa aking pagbabalik,” ani De Castro na kinikilala bilang isang icon sa broadcasting sa Pilipinas.

Sa pagdating ni De Castro, lalo pang lalakas ang umaga sa DZMM na tampok din ang mga prog­ramang Tambalang Failon at Sanchez kasama sina Ted Failon at Pinky Webb at Dos Por Dos kasama sina Anthony Taberna at Gerry Baja.

Kasabay ng pagbabalik ni Kabayan ang pagdiriwang ng ika-24 na taon ng DZMM, na kamakailan lang ay itinanghal na Radio Station of the Year sa The Rotary Club of Manila Jour­nalism Awards.

“Sa pagbabalik ni Kabayan at sa pagdadala sa DZMM TeleRadyo sa iba’t ibang parte ng mundo, muling pinapatunayan ng DZMM na tunay kaming una sa balita at sa public service. Ito ay inia­alay naming lahat sa mga Pilipino,” ani ABS-CBN Head for Manila Radio Division and Sports Peter Musngi.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES