Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, July 08, 2010

Piolo Pascual naghanap ng bago

Choice ni Piolo Pascual kung bakit natagalan bago nasundan ang kanyang huling proyekto sa TV at maging sa big screen. Sinabi niyang hindi siya namimili ng role pero naghahanap siya ng bago.

Gift para sa kanya ang gumawa ng naiibang role. Karamihan sa mga ginawa niya ay fantasy, at kahit na ang Noah na magsisimula sa July 12 ay isa ring fantaserye katulad ng Lobo, excited siya dahil first time niyang makakasama ang child wonder na si Zaijian Jaranilla.

“I felt Noah was something different. Who can resist Zaijian? Mahirap tanggihan ang ganitong uri ng proyekto. Besides, as an actor hindi ako dapat mag-concentrate sa romance/drama. Gusto ko ang Noah because it raises awareness to the environment. Matagal kong hinintay na masimulan ang project na ito. Hindi nga ako nag-guest sa May Bukas Pa para hindi ma-preempt ang first team-up namin.

“Nakakabilib ang bata, ibang klase ang energy niya. First time na makita ko siya sa taping I was blown away, na-shock ako sa talino niya. Iba siya, napakabilis pumasok sa character at ini-enjoy niya ang trabaho niya.

“Pero hindi lang ako sa kanya na-impress kundi pati kay Jodie (Sta Maria), she has become a better actress
, iba-iba ang atake niya sa role and she delivers. Nung una kaming magkasama sa Walang Kapalit, hindi pa siya ganun kagaling, nahahawa ako sa galing niya,” anang actor.

Sabi ng isa sa mga director ng serye na si Lino Cayetano, ang isa pa ay si Malu Sevilla, na bagay kina Piolo at Zaijian ang mga roles nila. “Mararamdaman mo ‘yung chemistry nila as father and son. Napadali ang trabaho ko bilang director dahil dito.”

Bukod kay Jodie na gumaganap na asawa ni Piolo at ina ni Zaijian sa serye, kapareha rin ni Piolo si Kristine Hermosa, gumaganap ng isang diwata. Huli silang nagkasama sa Nasaan Ka, Maruja.

Nagrenta ng isang warehouse ang ABS-CBN na ginawa nilang isang gubat na kung saan naninirahan ang mga taong unggoy na tinatawag na Ungtas. Ang ibang eksena ay sa Subic kinukunan.

Si Ogie Alcasid ang nag-compose ng theme song ng Noah, ang Kahit Malayo Ka na si Piolo ang kumanta.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES