Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, July 18, 2010

Relasyon nina Gerald at Bea, tanggap ni Kim!

Sa presscon ng Cherry Mobile kahapon ay natanong si Kim Chiu kung bakit ayaw tumigil ng balitang break na sila ni Gerald Anderson at katwiran ng young actress, siguro raw ay dahil natapos na ang Kung Tayo’y Magkakalayo at hindi na sila nakikitang magkasama ng mga tao.

Kahit naman daw wala silang serye ngayon ay may communications pa rin sila at lagi pa rin silang magkasama sa mga shows and commercials.

“Hanggang October po kasi, mayroon kaming mga out-of-the-country shows. Buwan-buwan, mayroon kaming labas for two weeks, ganyan.”

Baka nga raw tatapusin muna itong mga shows na ito kaya hindi muna sila makikitang magkasama sa isang teleserye.

Wala ring idea si Kim kung pagpapahingahin muna ang loveteam nila ni Gerald. Basta raw may bago siyang project na hindi kasama si Gerald, ang Your Song Presents kung saan ay si Ai-Ai delas Alas ang kasama niya at dalawang baguhan.

Open naman daw siya sa ideyang bigyan sila ng ibang kapareha at sana raw ay suportahan pa rin sila ng mga fans nila kahit iba na ang kapartner nila.

Tinanong din si Kim kung ano ang masasabi niya na nali-link ngayon si Gerald kay Bea Alonzo.

“Hindi ko po alam, nali-link ba sila?” tanong niya.

Marami ang sumagot na oo at may nakita na ngang nagdi-date ang dalawa.

“Hindi ko po alam, and kaibigan din naman namin si Bea and magkasama kami nung nag-Heartthrobs tour kami, and ’yun, close naman namin siya.

“Kung saan siya (Gerald) Masaya, suportahan ko,” natatawang sabi ng young actress.

Samantala, masaya si Kim na kinuha siyang endorser ng Cherry Mobile kung saan ay makakasama niya si John Lloyd Cruz bilang co-endorser.

Nauna si Loydie na maging endorser ng Cherry Mobile at masaya si Kim na makasama ang aktor sa endorsement dahil isa raw ito sa mga idols niya.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES