Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, July 24, 2010

Sharon Cuneta May Parinig sa kalaban ni Sen Kiko

Ang daming quotable quotes ni Sharon Cuneta sa presscon ng kanyang Megadrama concert sa Araneta Coliseum sa August 7. Pagpasok palang ni Sha­ron sa venue ng presscon, sinabing nali-late siya da­hil kabarkada niya si Aga (Muhlach) na agad nasakyan ng press.

Ang iba pang quotes ni Sharon ay “Tantanan nila ang anak ko” sa isyu na inaway daw ng anak ni Piolo Pas­cual si KC Concepcion sa Twitter. Ang matinding “Ma­ya­man na ako dahil kay mayor” na tungkol sa pag­­­­takbong Senate Pre­sident ng husband niyang si Sen. Kiko Pangilinan at ang “Kami ang pinaka-cute na naging pamilya niya” na patungkol kay Gabby Concepcion.

Dapat Megadiva ang title ng concert, pero pina­palitan ni Sharon dahil hindi raw siya diva at ma­rami nang diva tapos sisingit pa siya. Sa tanong kung ano ang aabangan sa concert, “Ang pagpayat ko” ang sagot ni Sharon at ipinagmalaking 11 lkbs., na ang naba­was sa kanya.

Guests sa Megadrama concert sina Kuh Ledes­ma, Zsa Zsa Padilla, Ai-Ai delas Alas, Pokwang at Ogie Alcasid. May special appearance si Sarah Ge­ronimo at Judy Ann Santos na magiging narrator ng concert.

Director ng concert si Rowell Santiago na sabi ni Sharon, siya ang sinisi ng amang si Mayor Pablo Cuneta nang sila’y maghiwalay dahil brineyk niya. Script writters sina Noel Ferrer at Jerry Gracio at musical director si Louie Ocampo.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES