Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, July 22, 2010

Showtime grand champion, malalaman na

Sunud-sunod ang malalaking pasabog sa Show­time habang papalapit ang kauna-unahang grand finals nito ngayong Sabado (Hulyo 24) sa Ynares Sports Center, Antipolo City at ang inaa­ba­ngang ikalawang season nito sa darating na Lunes (Hulyo 26).

Noong nakaraang linggo ay inanunsiyo ang wild card round o second chance para sa mga gru­pong hindi pinalad makarating ng finals. Ginulat naman ang mga hosts ng programa na sina Vhong Navarro, Anne Curtis, at Kuya Kim Atienza nitong Lunes (Hulyo 19) nang ipaalam sa kanila na magiging hurado sila tulad ni Vice Gan­­­da sa buong wild card week.

Pero wala pa ito sa nakaabang na sorpresa sa gaganaping grand finals kung saan maga­ganap ang isang misteryosong pagbabalik na may kinalaman sa pagpili ng grupong magwawagi at ta­tanggap ng P1 milyon premyo.

Bilib naman ang mga bumubuo ng programa kabilang ang kuwelang sina Jugs ng Itchyworms at Teddy ng Rocksteddy sa mga grupong lalaban sa finals.

“Kahanga-hanga silang lahat. Lahat sila panalo na dahil nakapagdala na sila ng aliw at kasiyahan sa mga manonood. Ipinakita rin nila ang pagiging po­sitibo ng mga Pilipino, ang patuloy na paglaban mas­ki sa harap ng krisis,” ani Vhong.

At tulad ng Madlang Pipol, sabik na rin sila sa ika­lawang season na magsisimula sa Lunes (Hulyo 26).

“Sa Showtime mo lang makikita ang bawat host, judge, crew, director at maging Madlang Pipol na kumakanta at sumasayaw at talagang nage-enjoy magkakasama. Patuloy naming pagbubutihin ang trabaho namin para magdala ng saya sa bansa,” sabi naman ni Anne.

Sino o sinu-sino kaya ang magbabalik at aling grupo naman ang mananaig sa wild card week upang lumaban sa Wall of Famers na Kasibulan, Perlas ng Silangan, Mortal Combat and the Showgays, Beat Guys, Sensei, Savannah Kids Ballroom Dancers, Philippine Islands Assasin, at Enlighten Black Theater Group?

Alamin sa Showtime wild card finals ngayong Biyernes (Hulyo 23). Huwag ding palampasin ang pinakaaabangang Showtime The Finals sa Sabado (Hulyo 24) live sa Ynares Sports Center, Antipolo City, 10:15 ng umaga sa ABS-CBN at season 2 sa darating na Lunes (Hulyo 26) pagka­tapos ng Simply KC.

[via]

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES