Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, July 30, 2010

Showtime New Segments

Exciting changes and new segments were introduced on second season of ABS-CBN’s top-rating talent variety show.

Pagkatapos ng matagumpay na grand finals noong Sabado (Hulyo 24), dumiretso sa ikalawang season ang programa nina Vhong Navarro, Anne Curtis, Kim Atienza, Vice Ganda, Jugs at Teddy noong Lunes (Hulyo 26) dala ang mga bagong pakulong siguradong papatok sa manonood.

Sa mas pinasaya at mas pinaaliw na “Showtime,” mga grupong iisa ang kasarian na may walo hanggang 15 miyembro ang maaaring sumali at magpasikat. At kung dati ay binigyan ng kapangyarihan ang Madlang Pipol na magtanggal ng hurado, ngayon naman ay maaari na rin silang maging hurado kasama ni Vice Ganda.

Tulad ng ginawa ng “Showtime” sa Ynares Sports Center, kung saan ipinakilala ang mga tao sa likod ng programa mula sa mga production assistants, wardrobe, writers, producers, cameramen, at direktor, binibida na rin sa “Showtime” ang mga tao sa likod ng mga grupo tulad ng manager, choreographer, at stylist.

Bukod sa mga kalahok, patuloy ring magdadala ng aliw ang mga nakakatuwang segment ng programa gaya ng nakawiwindang na “Kantaranta” at ang rakrakan nina Jugs at Teddy sa “Himigsikan.”

Matapos nagtala ng nakalu-lulang rating na 35% ang “Showtime” noong Sabado, inaasahang mapapanatili ng programa ang pangungana sa timeslot nito lalo na’t patuloy rin ang pagsikat ng mga grupong nadiskubre dito tulad ng unang grand champion ng programa na “XB Gensan.”

Abangan ang nalalapit na pagpapasikat ng “XB Gensan” sa “ASAP XV.” Samantala, tumutok sa pagpapasikat ng mga ordinaryong Pilipino sa “Showtime” mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng “Simply KC” sa ABS-CBN.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES