Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, July 05, 2010

Twist and Shout Premiered - Videos

Napakahirap naman pala nang pagdadaanan ng mga sasali sa Twist and Shout singing contest na nagsimulang mapanood nung Sabado sa ABS-CBN. Kakanta ang mga contestant pero gagawin ng lahat ng nasa likod ng produksyon para hindi nila matapos ang pagkanta. Okay lang ’yung pagtakbo na ginawa nina Richard Poon at Christian Bautista sa threadmill na hindi lamang bumibilis kundi tumataas pa kaya nahulog sila bago pa matapos ang kanta nila.

Mas mahirap ’yung ginawang pagkanta nina Nina at Frenchie Dy habang unti-unti silang inilulubog sa isang malaking container na puno ng tubig at yelo. Paano kung ordinaryong contestant ’yun na baka ma-pneumonia o atakihin sa puso sa sobrang excitement at pagod? ’Di malaking sagutin pa nila ’yun! Kung isa-sub­mit pa ang mga sasali sa physical check-up to determine their health and safety, eh baka mahirapan silang humanap ng mga sasali.

Medyo madali-dali ang challenge nina Bugoy at Juris na kumakanta sa ibabaw ng isang ginawang bulkan na naglalabas ng apoy at sumasabog. Mga asthmatic lamang ang maapektuhan pero maiinitan din ang mga contestants.

No doubt, masaya at kakaiba ang palabas, ’yun nga lang medyo mahihirapan ang produksyon na humanap ng sasalo. Pero dahil mahirap ang buhay, walang hindi gagawin ang Pinoy kumita lamang.

Part1:


Part 2:


Part 3:


Part 4:


Part 5:

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES