Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, July 23, 2010

Willie Balik sa Wowowee sa July 31?

Sa nalalapit na pagbabalik ni Willie Revillame sa telebisyon, inaabangan na ng lahat ang TV host kahit sabihin pang usap-usapan pa lamang ang tungkol sa bagay na ito. Nitong mga nakaraang araw, puro positibong mga balita na aming naririnig tungkol sa pagbabalik ni Willie sa Wowowee sa July 31.

In fairness, may date na nga, ’di ba?

Ayon naman sa aming source, positibo raw ang naging pag-usap ni Willie at ng management ng Dos last week. Ito na marahil ang senyales na anytime soon, babalik na nga si Willie sa Dos.

Eh, gaano naman katotoo ang mga umiikot na balita, na sa pagbabalik daw ng TV host, sina Mariel Rodriguez at Pokwang naman daw ang mawawala sa show niya?

Hindi namin alam kung ano ang dahilan kung bakit may umiikot na tsika na si Mariel ang mawawala sa Wowowee ‘pag bumalik na si Willie.

Ang malinaw sa amin, ‘yung isyu ni Pokwang nga-yon na tila may kailangang ayusin kay Willie bago ma-mayagpag muli sa Wowo-wee.

Usap-usapan na rin kasi na nu’ng wala raw si Willie sa show, may mga sinasabi umano si Pokie patungkol kay Willie.

How true na ‘pag may mga nagku-komento na si Pokwang ang nagdadala ng Wowowee, sobrang ikinatutuwa pa raw ito ng komedyana?

Kaya naman ang dating sa marami, parang hindi siya lumilingon sa pinanggali-ngan dahil wala raw siyang malasakit kay Willie.

Nililinaw namin na ito ay komento lamang ng fans, ha! Baka mag-react naman ang iba riyan. Kalokah!

Tungkol pa rin sa pagbabalik-TV ni Willie, wala pang ibibigay na final word ang TV host.

How true na may show din daw pala si Kris Aquino on the same timeslot, kaya malabo na si Willie ang ibalik ng management.

Kung ganoon, bakit positibo ang mga balitang lumalabas tungkol dito?

Hmmmm...

Abangan na lang natin kung tuloy ba o hindi si Willie sa Wowowee sa July 31.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES