Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, July 23, 2010

Wowowee unti-unting nauubusan ng advertisers sa pagkawala ni Willie?

MALAKAS ang bulung-bulungan sa showbiz na babalik na sa Wowowee si Willie Revillame.

Sa Paparazzi last Sunday, nakausap ni Nay Cristy Fermin ang TV host at nang tanungin niya kung babalik na nga ba sa Wowowee, hindi man tuwirang sinagot ni Willie ang tanong, sa aura at masayang kilos niya, posibleng totoo ang balita.

Maging ang mga kaibigan ni Willie ay na-interview tungkol dito at maging sila ay tikom din ang bibig. Kahit nagkaroon din ang TV Patrol field reporter na si Gretchen Fullido ng pagka-kataong ma-interview ang TV host, wala rin siyang kumpirmasyong nakuha mula sa Wowowee host.

Magaganap umano ang pagbabalik ni Willie sa Wowowee sa July 31 o kaya ay sa August 7, mula sa isang reliable source na ma-lapit kay Willie.

May nakarating din sa aming tsika na natuloy ang meeting nina Willie at ABS-CBN president na si Ms. Charo Santos -Concio kahit pa nananalasa sa Metro Manila ang bagyong Bas-yang.

Unti-unti na raw kasing nagpu-pull out ang mga malalaking advertiser ng Wowowee at nagpasabi pang babalik lang daw ang mga ito sa show kapag bumalik na rin si Willie sa Wowowee.

Kaya sa palagay namin, dapat lang na pabalikin na ng ABS-CBN si Willie dahil malaking kawalan sa network ang isa-isang pag-alis ng mga advertiser, lalo na kung malaking kumpanya ang mga ito.

Aminin man nila o hindi, ang advertisers ang bumubuhay sa mga network.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

8 Comments:

At 3:58 PM, Anonymous Anonymous said...

No way na pababalikin c Willie sa Wowowee. Pag ginawa eto ng ABS-CBN patunay lang na wlan clang credibiity. Willie is is spoiled cow! He's a bad influence to people. Whatever wrong he did before is unforgivable as he kept on repeating the same mistakes. The prediction of future behavior is past behavior, and I may say, Willie will continue on his bad behavior....as he's a rotten pig!

Advertisers are not on Willie's side,advertisers are for good role model.Please bring ROBIN back!

 
At 4:02 PM, Anonymous Anonymous said...

COME ON, MAS MALAKAS ANG HATAK NI ROBIN KESA KAY WILLIE. HINDI SI WILLIE ANG DAHILAN BAT MAY MGA ADVERTISERS AND ABS KUNGDI ANG SHOW MISMO,SO WOWOWEE WILLL STILL SURVIVE AS LONG AS IT'S ON AIR.

SOBRANG BASTOS,MAYABANG AT ARROGANT NI WILLIE. OK PA NA PALITAN NA ANG WOWOWEE AT GAWIN NG PERMANENT SI IDOL,MASAYA PA LALO.

 
At 1:17 PM, Anonymous Anonymous said...

Showbiz will always be showbiz....

 
At 3:31 PM, Anonymous Anonymous said...

Hay naku! kaung 1st two commenter tanggapin nyo nlang na wowowee is willie, w/o willie wowowee is nothing..Ang lau ni Robin kay willie, nag click lang sya coz people misses to watch him on TV kc matagal xang nawala sa dos, infairness nman sa hosting puro lang xa pacute. Ang gusto ng tao ung alive na alive. Kahit anu pang gawin nyo, people really loves willie. At tanggapin nyo na din na si willie talaga ang likes ng mga advertiser's..Tantanan nyo na si willie, kau din naman my ugaling kapareho sa kanya at baka mas worst pa sa kung anu xa...Kung ayaw nyo sa kanya, wag na kaung manood..Ganun lang naman ka simply un..

 
At 7:22 PM, Anonymous Anonymous said...

well mas ok ung puro pacute keysa naman manyakis!!!!

 
At 7:26 PM, Anonymous Anonymous said...

tama ang sinabi mo if si willie rin lang ang makikita namin sa wowowee...simlpy lang hwag ng panuorin so ipapaputol na namin ang tfc at lilipat na kami sa orbit!

 
At 12:48 AM, Anonymous Anonymous said...

ang dapat tanggalin si mariel na maarte at si pokwang na yumabang na. dati i like her pero narealized ko mas ok pa din si Aiai. And compare kay valerie with mariel mas di hamak na magaling mag host si valerie kaya deserving syang manalo as tv host.

 
At 12:40 PM, Anonymous Anonymous said...

owssss talaga ipapaputol nyo tfc nyo??? kung bumalik si willie?? mga sinungaling!..

don't tell me... trip nyo yung win na win??

ni wala sa kalingkingan ng www...
nde bagay ke binoe ang mag host! ang nakakaasar na tignan si mariel and pokwang... super OA na.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES