Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, August 17, 2010

Anne Curtis against joining the Kapuso network again

TSIKANG magbabalik-GMA7 na si Anne Curtis. Ito ang kumalat na balita matapos lumabas sa Eat Bulaga, Startalk at Showbiz Central ang mestisang aktres.

Natural na ikinagulat ito ni Anne dahil walang katotohanan daw na lilisanin na niya ang ABS-CBN para muling maging Kapuso.

“Pinayagan lang po ako ng Dos na mag-promote ng In Your Eyes sa Kapuso at ang sarap ng feeling na makapag-promote ka sa dalawang TV networks,” say ni Anne

Sa Showbiz Central habang nagpo-promote siya with her co-star Claudine Barretto ay naiklaro ni Anne na masaya siya sa kinalabasan ng pelikula nilang In Your Eyes na idinirek ni Mac Alejandre ang joint venture ng GMA Films at Viva Films. Pagkatapos ng guesting ni Anne sa Showbiz Central ay dumiretso na siya sa premiere night ng kanilang movie sa Cinema 9, Megamall kasama ang ama na naging escort niya.

Kasama namang dumating ni Claudine si Raymart Santiago with his brother and sister-in-law.

Wala si Richard Gutierrez dahil nasa Thailand pa ito at tinatapos ang taping ng Survivor Philippines na malapit nang mapanood sa GMA7 ngayong Agosto.

Anyway, dumating naman ang mga kapatid at parents ni Chard sa pangunguna nina Annabelle Rama, Eddie Gutierrez, Raymond at Ruffa Gutierrez. Kumpleto rin ang mga alaga ni Bisaya na nandoon para suportahan ang pelikula nina Chard, Anne at Claudine. Umaatikabong halikan at bed scenes, pero hindi bastos ang pagkakadirek ni Mac Alejandre.

May katuwiran sina Anne at Claudine na ipagmalaki ang kanilang first movie together, lalo na ang una na kakaiba ang husay na ipinakita sa pagdadrama.

Ang galing-galing ni Anne na super na-in-love kay Chard kaya lahat ay ginawa para makasama rin niya ito sa Tate sa tulong ni Claudine. Sa Tate magaganap ang conflict ng pagmamahalan nina Anne. Kung bakit at ano’ng nangyari, dapat panoorin sa mga sinehan sa Wednesday (August 18).

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES