Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, August 10, 2010

Complaint for Ate Glow!

Tumawag ang isang kaibigan naming doktor sa Jose Reyes Memorial Hospital.

Ikinuwento nito na ’yung fellow doctor niya ay nakabanggaan ang isang kilalang gay comedian na si Ate Glow.

“Nabangga ng kasama ko ’yung sasakyan niya. Hindi naman tinakbuhan. Pero siyempre, kasalanan ng doktor, kaya sagot niya ang pagpapagawa.

“So, ipinasok na sa talyer, pero three weeks pa ang dapat hintayin bago magawa. Eto na. ’Yung doktor, masyadong mabait ’yon. Parang nasamantala nitong bading.

“Three weeks daw na wala siyang kotse, kaya magre-rent-a-car daw siya ng P3,000 a day, kaya pinababayaran niya ’yon sa doktor. So, magkano ’yon? P63,000?

“Tumatawad ’yung doktor. Gusto ng bading, singkuwenta mil. Sabi nu’ng doktor, hindi niya kaya. Hanggang sa maging kinse mil, pero sabi ng doktor, hanggang P10,000 lang ang kaya niya, take it or leave it.

“Ayun, naging P10,000 na lang. Pumayag na rin ang bading. Pero okay na ’yon. Kasalanan naman ng kasama kong doktor, eh. Mabait kasi, ayaw na ng gulo.

“Ang ikina-shock lang ng doktor, eh, ’yung sinabi raw ni Ate Glow na, ‘Sa Jose Reyes ka pala nagtatrabaho? Sa ospital na paglabas ng pasyente, pilikmata lang ang walang bacteria?’

“‘Yun ang pagkakasabi. Buti na lang, mabait ’yung doktor, dinedma na lang ang sinabi niya. Kaya nu’ng isinumbong sa aming mga doktor, kami ang nagalit, dahil sobra naman ’yang si Ate Glow kung magsalita.

“Sabihin mo sa kanya, magpepreno siya sa pagsasalita. Kahit public hospital ito, baka dito siya humingi ng tulong balang-araw!”

Totoo ba ’to, Ate Glow?

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES