Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, August 01, 2010

James Yap nayakap na ang anak

Parang sabik na sabik daw si Baby James nang magĀ­kita sila ng daddy niyang si James Yap. Yes, nagĀ­kita na ang mag-ama last Friday night after ng game ni James sa PBA. Matagal-tagal na ring hindi nagkikita ang mag-ama. Ayon sa source na nakasaksi sa pagkikita ng mag-ama, antok pa si Baby James na kararating lang galing sa tatlong linggong bakasyon sa Amerika, pero halata raw ang kasabikan nito sa amang basketbolista.

Umiwas na raw magpa-interview si James at agad itong umalis kasama ang anak na dinala lang ng yaya.

Obviously, hindi natulog sa tinitirhan ng ama ang bagets dahil the following day, kasama na ni Kris Aquino ang anak sa pilot telecast ng Pilipinas Win Na Win.

Kahapon ay naglalaro na ang bata sa set ng PWNW.

Speaking of Pilipinas Win Na Win, masaya ang programa. Walang negative vibes at mukhang papatok.

Although may hawig sa natigbak na programang Wowowee, parang mas exciting naman ito at buhay na buhay ang audience kay Robin Padilla pa lang.

Nang kumanta ang action star na naka-sando lang, kagulo ang audience. Grabe ang sigawan. Saka mabait si Robin sa audience. Lahat, nilalapitan niya kaya naman nilalantakan siya ng halik.

Ibang klase naman ang energy ni Ms. Kris Aquino. Carry niya ang programa.

Pasok din sina Pokwang, Mariel Rodriguez and Valerie Concepcion.

Masaya ang audience at sa true lang parang walang naghahanap sa nawalang programa ni Willie Revillame.

Pangalan na ni Robin ang isinisigaw ng audience.

Samantala, star-studded event ang pagbubukas ng Pilipinas Win na Win. Special guests sina Martin Nievera, Piolo Pascual, Boy Abunda, Charlene Gonzales-Muhlach, KC Concepcion, Christian Bautista, Jericho Rosales, Cristine Reyes, Karylle, Bianca Manalo, Juris, Duncan Ramos at child wonders na sina Xyriel Manabat at Zaijian Jaranilla.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES