Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, August 12, 2010

Liezl mad at Robin!

HANGGA’T maaari, ayaw nang magsalita ni Robin Padilla tungkol sa isyu na galit na galit ang ex-wife niyang si Liezl Sicangco dahil napapabayaan niya ang mga anak nila dahil kay Mariel Rodriguez.

Nag-emote kasi si Liezl, na kasalukuyang based sa Australia, na wala nang oras si Binoe na dalawin ang bunsong si Ali dahil sa nililigawang TV host-actress.

Anim na linggo na raw hindi nagkikita ang mag-ama, hinaing pa ni Liezl.

Minsan daw, pinatutulog pa ng action star sa kanyang mobile home ang mga anak.

Apat lahat ang anak nina Binoe at Liezl, tatlong babae at isang lalaki, si Ali nga.

Madalas daw, kuwento ni Liezl sa isang interview, umiiyak si Ali tuwing nakakausap niya.

Kaya naman nakikiusap raw siya sa dating asawa at dasal niya’y pakinggan siya nito ngayon na kung wala na itong panahon sa pag-aalaga sa mga anak, ibalik na lang sa kanya sa Australia.

Wala rin daw pakialam si Liezl kay Mariel dahil may sarili naman itong buhay. Ang pinuproblema lang niya ay ang mga bata.

Sa isang text message na ipinadala sa pamamagitan ng manager niyang si Betchay Vidanes, sinabi ni Robin kahapon na hindi siya maaaring magbigay ng negatibong komento sa mga naging pahayag ni Liezl.

Naiintindihan daw niya ang pangamba nito dahil sadyang protective lang bilang ina ng kanilang mga anak.

Mahigit 20 years ding nagsama bilang mag-asawa sina Binoe at Liezl bago na-annull ang kasal nila kamakailan lamang.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES