Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, August 15, 2010

Liezl Sicangco envious of Mariel

Sa isang umpukan ng press ay napag-usapan ang tungkol sa naging pagsasalita ni Liezl Sicangco ng kung anu-ano laban sa dating asawang si Robin Padilla. Needless to say, dahil matagal na rin namang kilala si Binoe ng mga reporters, marami ang hindi naniniwala sa mga akusasyon ni Liezl.

May nagsabi ngang ano pa raw ba ang dapat ireklamo ni Liezl gayung ang tatlong properties worth P100M na binili ni Robin sa Australia para sa kanilang mag-iina ay ibinigay nang lahat ng action star sa kanila.

Para sa marami ay in bad taste ang pagsasalita ni Liezl para sa dating asawa to think na may pinagsamahan sila at ama ito ng kanyang mga anak. Hinala tuloy ng lahat, nagseselos lang ito kay Mariel Rodriguez.

“Siguro, naiinggit siya sa P1.2M na singsing na ibinigay ni Robin. Ano pa ba naman ang dapat niyang ikainggit eh binigyan naman siya ng mga bahay?” say ng isang nakakaalam ng kuwento ng mag-asawa.

“At saka, wala siyang karapatang mainggit sa pwesto ngayon ni Mariel dahil siya ang unang nag-asawa ng iba,” say pa sa umpukan.

Taong 2009 pa nagpakasal si Liezl sa isang New Zealander at kwento nga ng isang reliable source, naging napakasakit daw nito kay Binoe.

“Grabe ’yung mga panahong ’yun para kay Binoe, kung alam lang nila,” kuwento ng aming source.

Ngayon ay naka-recover na si Binoe at may bago nang pag-ibig. Wish lang ng mga kaibigan ng action star na patahimikin na siya ni Liezl at hayaan na lang maging maligaya ang dating asawa.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES