Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, August 06, 2010

Luis and Angel's possible reconciliation fizzles out

HINDI na natuloy ang napabalitang balikan blues nina Luis Manzano at Angel Locsin.

Naging usap-usapan ang muling panunuyo ni Luis kay Angel. Sinabi pa ng TV host sa isang talk show na may pag-uusap na magaganap sa pagitan nila ng aktres.

Pagkatapos nu’ng araw na ‘yun wala na ring nabalitaan tungkol doon. May mga nagtatanong nga kung ano raw ba ang nangyari.

Naunsiyami raw ba ang balikang Luis-Angel?

Well, malay natin baka napag-usapan ng dalawa na they just stay friends. Puwedeng ito na lang ang pinagkasunduan nila.

Hindi na rin nagsasalita pa si Luis about Angel. Ang aktres naman ay balitang abala ngayon sa proyekto niya with John Lloyd Cruz kaya hindi siya masyadong visible para interbyuhin.

Sa tingin namin, tanggap na rin ni Luis na ganoon na lang din sila ni Angel.

Bongga pa rin naman ang career nilang dalawa kahit sabihin pang hindi na sila magkasama.

Well, sana nga ay maka-tagpo rin si Luis ng babaing mamahalin siya nang tapat.

Naalaala namin kung pa-ano siya maghintay sa isang taong minahal niya nang lubos.

So, sa tingin namin this time, it’s all worth the wait kapag may dumating na sa kanya. Siguradong ito rin ang hangad ng inang si Governor Vilma Santos para sa anak.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 11:39 PM, Anonymous Anonymous said...

i just saw them very sweet in eastwood mall last monday night.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES