Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, August 09, 2010

Nanay ni James Yap niyari si Kris

Hindi na nakapagpigil ang ina ni James Yap na si Mrs. Annie Yap. Kahapon sa Showbiz Central, ibinunyag na niya ang sama ng loob sa kanyang dating manugang.

Si Pia Guanio ang nag-interview sa kanya.

Kasama sa mga sinabi ni Mrs. Yap na ayaw na ayaw niya kay Kris Aquino sa umpisa pa lang. Iniyakan niya ng magdamag nang pirmahan niya ang parental consent na hiningi sa kanya ng anak na basketbolista.

Yup, may kinailangan pa siyang pirmahan bago naganap ang kasalan ng dating mag-asawa at wala siyang alam sa nang­yari.

Isang madaling araw na lang ay tumawag sa kanya si James at sinabing kasal na sila.

Sinabi niya rin na bago ikinasal sina Kris at James, may girlfriend ang anak niya. Pero iniwan ito ni James for Kris dahil mahal na mahal nito ang kapatid ni Pa­ngulong Noynoy Aquino.

Hindi rin daw totoong babaero ang anak niya. O kung may naghahabol mang babae, ’yun ay dahil sikat na basketbolista si James.

Nananawagan din siya na sana ay ’wag na lang ikuwento ni Kris sa TV ang mga nangyari sa kanila ng anak niya. Na sana raw ay pag-usapan na lang nila kung anuman ang naging problema.

Inaasahang reresbakan ni Kris ang mga sinabi ng kanyang ex-biyenan sa Pilipinas Win na Win.

Abangan ang umiinit na kuwento sa dating mag-asawa. Exciting ito!

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES