Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, August 01, 2010

Pilipinas Win na Win Kicks Off

NAPANOOD na kahapon ng tanghali (July 31), ang pinag-uusapang bagong noontime show ng ABS-CBN na Pilipinas Win na Win.

Sa kauna-unahang pagkakaton, nagsama-sama sa isang noontime show sina Robin Padilla at ang kararating lang mula sa kanyang US trip na si Kris Aquino. Kasama rin sa show sina Pokwang, Mariel Rodriguez at Valerie Concepcion.

Star-studded ang simula ng Pilipinas Win na Win kahapon dahil special guests sina Martin Nievera, Piolo Pascual, Boy Abunda, Charlene Gonzales-Muhlach, KC Concepcion, Christian Bautista, Jericho Rosales, Cristine Reyes, Karylle, Bianca Manalo, Juris, Duncan Ramos at child wonders na sina Xyriel "Momay" Manabat at Zaijan "Santino" Jaranilla.

Ayon sa business unit head ng show na si Jay Montelibano, walang dudang kasama sa inabangan ng publiko ang bagong kombinasyon ng mga hosts.

"We know of course Kris as being the Media Queen, and bihasa na siya sa pagho-host ng mga ganyang palaro. Robin has the charisma. It would actually be an interesting combination. Iisa kasi ’yung adhikain nila, ‘yung mapasaya ‘yung tao. So both have the heart. Both have the passion. It’s very, very interesting to see the mix."

Ngunit higit pa sa mga hosts, inihayag ni Jay na ang bagong hatid na palaro at papremyo ang mas lalong magbibigay-saya sa mas maraming Pilipino.

“Focused ang Pilipinas Win na Win sa indibidwal, barangay, pamilya at sa lahat ng Pinoy sa buong mundo. Mamimigay pa rin siyempre ng milyong papremyo. Pero ngayon, mas maraming mananalo. Kasi kung dati, ’yung games ay one is to one, ngayon, mas pampamilya at mas pangmaramihan. It’s interactive with the barangay at may palaro para sa pamilya,” ani Jay.

Ilan sa mga exciting games ng PWW ay ang Lobo Ko ’To na tumuloy naman sa mas exciting na Ping Pong Pang. Nilaro din ang barangay game na Yaman ng Bayan kung saan nanalo si Jericho at ang mga “kabarangayers” niyang taga-La Union.

Inabot ni Echo ang jackpot round na Open Susi-Me ngunit bigo siyang mabuksan ang P1-million door. Kasama pa sa mga dapat abangang palaro sa mga susunod na araw ang family game na Perfect Combination at ang personality-beauty contest na Muse ng Bayan.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES