Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, August 13, 2010

Piolo Pascual isang taon nang tumatakbo!

Isa si Piolo Pascual sa mga pinaka-ban­kable actors sa ngayon. Kabi-kabila man ang kan­yang ginagawa ay mayroon pa rin siyang oras para sa kanyang bagong passion, ang running o pag­takbo. Isa si Piolo sa participants ng Inter­natio­nal Triathlon sa Camsur na Ironman 70.3 Philip­pines na gaganapin sa August 22. “We’re going to the Ironman in Camsur. I’m doing relay mixed category. We have a female swimmer and two guys for bike and run. I’m doing the run. Last year I did 10k, I’m doing 21 in Camsur and hope­fully I get to do 30 if I have to train. Then next year I’ll do a full marathon,” pahayag ni Piolo para sa SNN (Showbiz News Ngayon). Kahit sobrang hectic ng schedule ni Piolo ay naisisingit pa rin daw niya talaga ang kanyang sport.

“Since we tape in Subic, kapag wala akong eksena I bring my bike with me. There’s a course where you can run, even during training ay naka­kapag-train ako. The rest of the week ay tuma­takbo ako sa U.P.,” dagdag pa ng aktor.

Ibang klase raw ang fulfillment na nararam­da­man ni Piolo sa pagkahilig niya sa sport.

“Time flies by, I’ve just started running last year, ngayon nagte-train ako ng triathlon, I’m really excited to be there. It’s a different high. It’s a different feeling to be there, and when you’re at least not per­ceived to be an artista, you’re just like any of them,” seryosong pagtatapos ni Piolo.

Malapit na nating mapanood ang Imortal, ang bagong teleserye na pagsasamahan nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin. Sobrang abala ngayon ni Lloydie sa taping ng nasabing tele­serye kaya hindi na raw muna matutuloy ang pelikulang dapat ay muling pagtatambalan sana nila ni Sarah Geronimo. “Hindi ko alam yung to­to­ong reason, ang alam ko lang ngayon it’s safe to say na hindi na siya tuloy. Nakapanood ako ng isang interview, sinabi niya (Sarah) na he­sitant na nga siyang gawin yung third installment ng A Very Special Love, and gusto kasing mangyari na iwan na yung success sa part 2 na lang sa You Changed My Life, nakuha naman natin ‘yun. Sabi rin niya na okay lang din naman na ibang istorya na lang, ibang pro­ject na,” paglilinaw ni John Lloyd.

Hindi man natuloy ang pelikula nina Sarah at John Lloyd ay excited naman daw ang aktor sa bago niyang gagawing pelikula kasama ang multimedia star na si Toni Gonzaga.

“I’m very excited! I’ve seen her movies, and dati na akong fan ng kanyang wit, humor ng kanyang talent and na-present na sa akin and naging part din tayo ng maiksing brainstorming na naganap noong nakaraang Linggo and tuwang-tuwa ako, tingin ko ay ito ang perfect project para sa amin ni Toni,” nakangiting pahayag ni Lloydie.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES