Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, August 29, 2010

Ryan Agoncillo pumayag ipatali ang ari

Hindi bakla ang role ni Ryan Agoncillo sa pinaka-bagong comedy series ng TV5 na magsisimulang mapanood sa Sept. 6, 8-9 p.m, ang Lady Dada. Nagbihis babae siya sa payo ng isang kaibigan (Keempee de Leon) para lamang mapalapit sa kanyang asawa’t anak matapos siyang pagba­walan na lumapit sa kanila after na manggulo siya sa bar na pag-aari ng kanyang asawa (Mylene Dizon) at ng dating manliligaw nito (Ryan Eigen­mann).

Ang hindi niya inaasahan ay liligawan siya ng kapatid ng kanyang asawa (Roderick Pau­late) sa pag-aakalang isa siyang ba­bae. “Ang ganda-ganda ko rito. I never ima­gined myself dressed in a woman’s clothing before. This one’s for the books, seriously,” sabi ni Ryan.

Pinuntahan pa siya sa simula pa lang ng taping sa set ng kanyang asawang si Judy Ann Santos kasama ang panganay nilang si Yohan para okeyan ang kanyang costume. Na-shock si Juday pero si Yohan ay natawa lamang.

“Wala akong ginagaya sa pag-portray ko ng role ko bilang Lady Dada na ang mean­ing ay lady daddy. Sinusunod ko lang ang mga instructions ni Direk Joyce Bernal. First time ko itong mag-make up. Inisip ko na lang kung ano ba ang gagawin ko bilang ama, hanggang saan ko ipu-push ang sarili ko? Mas nahihiya pa nga akong mag-action kesa mag-babae. Huwag lang akong mag-bold,” pa­birong sabi pa ng part-time actor at full-time host na ang ser­yeng Lady Dada ay eere lamang ng limang linggo.

When asked kung bakit parang napakaikli nito, kumpara sa maraming serye na napapanood sa telebisyon, sinabi ni Ryan na talagang sakto lamang sa itinakdang panahon ang istorya ng Lady Dada. Lalaglag na ito kapag naging 13 weeks.

Para sa kanyang disguise, pumayag si Ryan na magsuot ng high heels, mag-wax, mag-make up. Minsan ay itinali pa ang kan­yang ari.

“Pero hindi ko nagustuhan. May paraan pa para maitago ito pero hindi ’yung taliin ito dahil feeling ko, parang naglalakad ako ng patalikod. Anim na oras akong hindi kompor­table,” pagtatapat niya.

Kung gagawing pelikula ang Lady Dada, sinabi niyang papayag siyang gam­panan muli ito kung si Bb. Joyce ulit ang magdidirek.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES