Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, August 29, 2010

Sam Milby tongue-tied around Sarah Geronimo

Kahit crush ni Sam Milby si Sarah Geronimo, sa tingin namin ay hindi siya magkakalakas ng loob na ligawan ang Pop Princess dahil kapag nakikita niya ito ay nahihiya siya.

Saksi kami kung gaano siya parang natatameme kay Sarah nang bisitahin namin sila sa set ng Idol. Namumula ang aktor at pinagpagpawisan habang katabi niya ang leading lady.

Very vocal naman si Sam na isa sa “idols’ niya si Sarah along with Johnny Depp, Matt Damon, Coco Martin and John Lloyd Cruz.

“Sa mga production numbers ni Sarah sa ASAP XV, nanonood ako sa gilid, and wow, ang galing niya at grabe ’yung dedication niya sa trabaho. Magaling siya talaga, everything she does, and pang-word class ang performances niya,” papuri ni Sam kay Sarah.

Aminado rin naman si Sam na ilang beses pa lang silang nag-taping at kung baga, wala pa silang naki-create na closeness or bonding moment kaya understandable na hiyang-hiya siya sa dalaga.

Sa kanyang love life, ani Sam ay single pa rin siya at walang commitment. Patuloy pa rin daw ang communication nila ni Marie Digby pero dahil nga magkalayo sila, hanggang sa komunikasyon na lang daw muna sila at hindi pa nagkikita uli since May.

Samantala, very proud si Sam sa bago nilang musical series ni Sarah na Idol dahil kakaiba raw ito sa lahat ng nagawa niya dahil magkakumbinasyong singing and acting ang tema ng serye.

Magsisimula na ang serye sa Sept. 6 with an all star cast mula sa direksyon ni Ruel Bayani.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES