Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, August 03, 2010

TJ Manotoc on ANC

Inabangan ang pagdating ng brodkaster na si TJ Manotoc sa primetime newscast ng ANC, the ABS-CBN News Channel na The Rundown ka­gabi.

Yup, makakasama na ni Ces Oreña-Drilon mula Lunes hanggang Biyer­nes ng 8:00 p.m. ang beteranong mamamahayag na tatalakay sa pag­gamit ng bagong teknolohiya para umasenso, mga kuwentong may dalang inspirasyon, at mga report mula sa citizen journalism campaign na Bayan Mo, iPatrol Mo sa kaniyang segment.

Gagamit pa ng I-Pad si TJ upang ipakita ang mga reaksiyon at opinyon ng mga manonood habang umeere ang programa.

“Ito ang munting kontribusyon ko sa pagbubuo ng bansa,” ani Manotoc sa kaniyang bagong assignment.

Tulad niya, nais ding magdala ng pagbabago sa buhay ng mga Pilipino ang kilalang sports en­thusiast at environmentalist na si Paolo Abrera, na napanood na sa Mornings@ANC simula ka­hapon din, 9:00 a.m. sa ANC.

Si Paolo ang bagong sports and technology guy ng programa at host ng bagong segment tungkol sa kalikasan na Going Green.

Nagpahayag ng pananabik si Paolo na maka­sama sina Ginger Conejero, Ron Cruz at Gigi Grande sa araw-araw na paghahatid ng balita at iba pang importanteng impormasyon sa Mor­nings@ANC.

“Malaking karangalan ang maging bahagi ng isang respetadong news channel sa bansa,” ani Abrera.

Samantala, inilunsad na rin kamakailan lang ang bagong programa ni Tony Velasquez na Future Perfect na tumatalakay sa gamit ng mga bagong teknolohiya sa mga Pilipino tuwing Miyer­kules ng 7:00 p.m.

Inabangan naman ang dalawang dokumen­tar­yong hatid ng ANC na nagbigay linaw sa mga isyu sa kasalukuyan at nakalipas na adminis­tras­yon. Noong Hulyo 26, sinimulan na ni Senior ABS-CBN News Reporter Lynda Jumilla ang apat na ling­­­gong paghihimay sa mga eskanda­long pumu­tok noong panahon ni Arroyo sa The Arroyo Years: A Legacy of Un­finished Business. Noong Lunes, binalikan ni Jumilla ang kontrober­siyang Hello Garci.

Sa Huwebes naman ng 9:30 p.m., ma­papa­nood ang pinakamalalaking isyu at hamong kinaharap ni Pangulong Aqui­no bawat linggo sa The First 100 Days, kasama ang iba’t ibang batikang anchor ng ANC.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES