Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, August 28, 2010

Venus Raj sa showbiz ang bagsak

Hindi tinatanggal ng Miss Universe 4th runner-up Venus Raj ang posibi­li­dad na mag-artista. Ito ay makaraang marinig na interesado ang ABS-CBN na makuha ang kanyang serbisyo para sa top rating drama series na Mag­karibal.

Bagaman at may mga tungkulin siya na dapat munang gampanan bilang Bb. Pilipinas, ang pag-aartista ay isang gawain na welcome sa kanya. Ka­tunayan nang tanungin siya kung sino ang gusto niyang makapareha, binanggit niya ang pangalan ni Coco Martin.

Napaka-ganda ng attitude ni Venus sa pag­tang­gap sa kinahinatnan ng kanyang paglahok sa pina­ka-sikat na beauty contest sa buong mundo. Wala siyang pagsisising nadarama sa posibilidad na ma­a­aring hindi niya nakuha ang korona dahil sa hindi magan­dang sagot niya sa tanong ng isang hurado sa kanya. Naniniwala siya na hindi siya naka­tak­dang maging Miss Universe at masa­ya na siyang maka­sama sa Top 5.

Sa kanyang pagdating, inuna niya ang pag­da­law sa burol ng kanyang namatay na kaibigan at trainor na si Melody Gerbs­bach. Sinabi niyang may mga gawain itong nai­wan na kailangan niyang ipag­patuloy, ga­ya ng pangangasiwa ng Miss Bi­colandia.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES