Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, September 02, 2010

AiAi delas Alas nahihirapang i-sustain ang kasikatan

Napakadali talaga ng panahon. Kailan lang, strug­gling si AiAi delas Alas, ngayon magsi-celeb­rate na siya ng kanyang 20th year in showbiz and what is a fitting way to celebrate the milestone than having a Concert that will once more show the talent that made her part of showbiz royalty, a queen to be exact, Comedy Concert Queen.

At dahil isa siyang royalty, she will pay tribute sa lahat ng royalty sa showbiz, sa TV, pelikula, mu­­sika at maging ‘yung mga foreign showbiz royalty.

I’m sure maiintriga na naman siya dahil hindi ka­­­sama si Pokwang sa konsiyerto niya. Maka­ka­sama niya for sure ang ilang tinitingalang komed­yante na katulad niya ay naging bahagi ng buhay at karera niya. Ibinigay niyang dahilan sa hindi pag­ka­­kasama ni Pokwang ang pagkakaroon din nito ng sarili niyang mga palabas.

Sinabi ni AiAi na bagaman at natagalan ang pag-akyat niya sa stardom, hindi ito gaanong ma­hirap. Mas nahihirapan pa siya ngayong sikat na siya dahil kailangan niya itong i-sustain at i-main­tain.

“Madaling umangat, pero ang pag-iisip ng mga paraan para magtagal ka sa itaas ay hindi madali. Kailangan kong palaging ire-invent ang sarili ko. Ha­makin mo komedyante lang ako pero nagsikap ako para maging isang artista, isang mahusay na artista. Dati sa karaoke bar lang ako pero napunta ako sa Araneta Coliseum, sa Folk Arts Theater. Nag-show na rin ako sa abroad. Ngayon leading lady pa ako ng Aga Muhlach na marami ang nag-iilusyon na makapareha pero sa akin siya bu­magsak mula langit. Di ba matatawag na suwerte ito?” sabi niya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES