Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, September 03, 2010

Bangs Garcia inaagaw si Billy kay Nikki?

Alam nating lahat kung gaano kaganda ang relasyon ng magkasintahang sina Nikki Gil at Billy Crawford. Ang sweet ng dalawa mapaharap man o likod ng camera kaya matagal-tagal na rin ang kanilang pag-iibigan.

Kamakailan ay napabalitang nagkahiwalay na sina Billy at Nikki, si Bangs Garcia ang itinuturong dahilan sa nasabing hiwalayan. “Nabalitaan ko ’yan! I don’t wanna say anything kasi nagka-work kami ni Bangs. Huwag naman tayong mandamay sa walang kasalanan, at wala naman kaming dapat pag-usapan ni Bangs kasi okay kami pero nagkakabiruan kami na ano ba naman ’yang nababalita sa atin,” nakangiting pahayag ni Nikki.

“Naku! Narinig ko ’yan galing kay Nikki pa kasi siya rin ay nahihiya kasi ako rin ay kasali sa issue. Sabi ko, huh? Ano ang connect? Ni wala kaming communication o we never worked together siguro I would understand kung katrabaho ko,” esplika naman ni Bangs.

Spotted daw si Bangs malapit sa condominium ni Billy kaya na-link ang sexy actress sa binata.

“Mayroon akong kasama sa Eastwood, may nagsabi na kamukha ni Billy pero no hindi talaga,” sabi pa ni Bangs.

“At least ay hindi nag-deny si Bangs na may kasama, hindi nga lang si Billy. What a girl!”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES