Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, September 10, 2010

Enchong Dee and his victim settled

In fairness to Enchong Dee, hindi naman pala niya tinakbuhan ’yung lalaking diumano’y naipit ng sasakyan niya ang paa habang ito’y nakasakay sa jeep.

Nagpa-interview kasi sa Paparazzi kamakailan ang lalaki at inireklamo si Enchong na hindi na raw nagpakita pa sa kanya matapos siyang dalhin sa hospital gayung hindi pa raw siya magaling.

Hindi alam ng lalaki na naospital din si Enchong sa sakit na dengue kaya hindi na rin nito nalaman ang kalagayan niya matapos ang aksidente.

Nang malamang nagpa-interview ang lalaki, nagpaliwanag naman kaagad sa isang interview si Enchong na hindi niya pinabayaan ang naaksidente dahil dinala pa nga niya sa hospital considering na hindi naman niya kasalanan kung bakit nadale ang paa nito na nakalitaw sa estribo ng jeep.

Aminado si Enchong na medyo masama ang loob niya sa guy dahil kinailangan pa nitong magpa-interview.

Pero ang good news, malambot din naman ang puso ng young actor dahil kahit siniraan na siya ng lalaki, nakipag-ayos pa rin siya.

In fact, dinala pa niya ito ulit sa hospital para ipagamot.

Natutuwa naman daw ang TV5 na sila ang naging instrumento ng pagkakaayos ng dalawa.

Kung hindi raw kasi nagpa-interview ang lalaki, hindi makararating kay Enchong ang daing nito.


[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES