Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, September 05, 2010

Gary V. nagalit sa nangyari kina Annabelle at Angeli

Sobrang enjoy si Gary Valenciano sa pagko-co-host ng Twist & Shout ng ABS-CBN at okay sa kanya kung mai-extend ito, pero ang alam niya, one season lang ang show nila ni Martin Nievera at magtatapos na sa November.

Dahil sa show, malaki ang na-improve sa Ta­galog ni Gary V. at hindi na siya nagbabakel bang­gitin ang mahihirap na Tagalog words. Ibang ex­citement din ang bigay sa kanila ni Martin sa pagho-host ng show.

Pinaghahandaan ni Gary ang provincial tour ng AS 1 nila ni Martin at may series of shows siya sa Music Museum billed Soul in Motion. Happy si Mr. Pure Energy dahil katulong niya sa pag-aareglo ng ibang kanta ang anak na si Gab Va­­lenciano at guests sina Paolo at Kiana Va­lenciano.

Samantala, pinasalamatan ni Gary ang media dahil hindi na pinalaki ang conflict nina Annabelle Ra­ma at wife niyang si Angeli Pangilinan-Valen­ciano sa birthday party ni Ogie Alcasid. Kahit hindi naging maganda ang pagkikita nina Annabelle at Angeli, thankful ang singer na okay na ang misis niya at si Ruffa Gutierrez.

“Nagalit ako sa nangyari dahil kundi ako nagalit, anong klaseng asawa ako? I respect Tito Eddie (Gutierrez) at kahit ’di pa kami nagkakausap ni Tita Annabelle, in my heart, okay na kami. Sana, hindi na lang maulit,” sabi ni Gary V.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES