Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, September 16, 2010

Sarah and John Lloyd back in each other's arms

DATI ay hindi masagot ni Sarah Geronimo kung kai-lan sila magsasama ulit sa pelikula ni John Lloyd Cruz. Pero nang makausap namin siya last Saturday sa launching ng bago niyang endorsement na Superstar, isang on-line singing audition kung saan ang mapalad na magwawagi ay makakasama ni Sarah sa kanyang concert at gagawa pa sila ng album together, iba na ang kanyang dialogue.

“Baka po next year,” sagot niya sa tanong kung kailan sila ulit gagawa ng movie ni Loydie

“Wala naman po akong sinabi na hindi na kami magkakatrabaho ulit. Ang sabi ko lang po noon, sana huwag muna ngayon. Pero kung maayos po ang schedule ko, baka po next year.”

Hindi raw si Lloydie ang tinanggihan niya kundi ang hectic na schedule niya ngayon kaya malabong makagawa sila ng pelikula ng controversial actor.

Tungkol naman sa balitang paglipat niya sa TV5, na alam na natin ngayon na hindi totoo dahil nag-renew na siya ng another one year contract sa Dos, ayon kay Sarah kumalat ang tsikang lilipat siya dahil sa nego-sasyong nangyari sa pagitan ng kanyang manager na si Vic del Rosario at TV5 na isasa-ere ang lahat ng concerts ni Sarah sa Kapatid Network. Sa nasabing nego-sasyon, wala raw siyang alam dahil ang manager lang niya ang nakipag-deal sa TV5. Hindi rin alam ni Sarah kung gaano katagal ta-takbo sa TV5 ang kanyang concerts dahil hindi pa rin daw niya nakakausap ang kanyang manager.

Tungkol naman sa bago niyang endorsement na Superstar, naitanong namin sa kanya kung hindi ba mag-kakaroon ito ng conflict sa iniendorso niyang videoke microphone.

“Wala naman pong conflict, kasi ‘yun naman po ay mikropono, literal na mikropono. Ito naman ay on-line singing audition sa Internet through Superstar.”

Sa nasabing on-line singing audition star search, 15 finalists ang pipiliin at ang mga ito ang magkakaroon ng pagkakataon na makasama sa concert at makapag-recording kasama ang kanilang iniidolong si Sarah. Para malaman ang audition venue at schedule, check the Superstar website at www.superstar.ph.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES