Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, September 11, 2010

Sharon Cuneta to host 'The Biggest Loser Pinoy Edition'

Masaya si Sharon Cuneta na humarap sa press last Thursday para sa presscon ng kanyang tatlong bagong shows sa Kapamilya network, pero hindi pa rin niya mapigilang maluha nang ipakita na ang teaser ng The Biggest Loser Pinoy Edition dahil nakaka-relate siya sa mga ipinakitang obese contestants.

Sobrang na-touch si Sharon dahil naiintindihan daw niya ang nararamdaman ng mga contestant.

“Talaga namang dumating din ako sa ang taba ko, ’di ba? I think naging confident din akong tanggapin (ang paghu-host ng The Biggest Loser) kasi I’ve lost 20 lbs. na and I’m continuing ’coz I wanna tackle different roles again kasi nali-limit ako ng weight ko, eh.

“Masyado akong na-relax, kasi siguro, kuntento na ako sa buhay, pero now, it becomes a matter of wanting to be healthy also for your children.

“So, tinanggap ko ito na ang isip ko, ‘hindi, by the time na lumabas ’to, nakaka-inspire na tayo ng tao’,” pahayag ni Mega.

Early next year pa kasi ipalalabas ang The Biggest Loser and by that time, baka mas malaki na ang na-lose niyang weight.

“Ako, I can really empathize with them. I can’t even reach half of the weight ng ibang kasali na napili pero ’yung mga kuwento, it was so touching.

“Nu’ng nag-audition sila, they were 600, and ’yung iba raw nag-iiyakan kasi ngayon lang sila naka-feel na hindi sila dyina-judge, na marami raw palang katulad nila, and tandaan n’yo, they all went there for one reason — gusto nilang matutunan kung paano magpapayat. Kasi they’re very concerned about their health also, so, nararamdaman ko ’yon.”

Ang dalawa pang shows ni Mega na ilo-launch ay ang Star Power, isang singing search for the next female pop superstar na iere on October 10 (10-10-10) sa Channel 2 at ang Sharon at Home naman on the Lifestyle Network on Sept. 16, 6:30 p.m.

Natanong kay Sharon kung aware ba siya na may isang show din na magsisimula sa 10-10-10 at anang Megastar, “Puwede mo sabihin sa akin (kung anong show). Alam ng Panginoon, hindi ko alam 'yan. Baka hindi important to me."

Nang sabihin sa kanyang show ni Willie Revillame ’yon sa TV5, bulalas ni Shawie, "Ay, talaga naman. Talagang hindi ko alam ’yan."

Para naman kasing pinagtiyap, nagkaroon ng sama ng loob si Sharon kay Willie nang sabihin ng TV host-comedian on air sa Wowowee noon na hindi siya isasakay sa yate dahil baka lumubog.

Bale ba, bago napag-usapan si Willie, nabanggit ni Sharon na hindi raw siya nagtatanim ng sama ng loob sa mga taong tumutukso sa kanyang weight.

Nang maalala niya ang kanyang statement earlier, sinabi niyang, "Hindi, iba naman kasi ’yung tukso sa bastos, so, lalo ’pag mahal mo. ’Pag mahal ko, naa-affect ako. Kasi feeling ko, sayang naman ’yung effort ko i-love.

“Pero, wala akong tinutukoy na tao. Positive tayo. Happy thoughts. ’Yun lang,” say niyang natatawa.

“Pero ’pag mahal ko, masakit sa akin. Pero pasasaan ba, ’pag nagkausap naman kayo, ’di ba?” dugtong niya.

Tungkol sa posibleng pagtatapat nila ng show ni Willie, Sharon asked, “Gabi ba siya? Okay lang, eh, wala, ako’y hamak na starlet lang.

“Basta sa show ko, puro positive. Wholesome. Saka, lahat kami du’n talagang mga performer kami. Alam namin ang itinuturo namin sa mga bata,

“’Yun lang, pinagmalalaki po ng Star Power. Wala po akong pinatatamaan, lilinawin ko lang. Kasi ako didiretsuhin ko ’yan, hindi ako nagpapatama,” say niya sabay tawa.

“Gusto ko lang ma-love ulit ng mga hindi ako na-love pansamantala kahit wala naman akong ginagawa.

“So, 10-10-10, gusto kong sabihing ‘good luck,’ pero usually, ang sinasabi ko, ‘God bless.’ Okay lang ’yon. Ni-lift up ko na (kay Lord), ngayon lang.
“No, seriously, I’m sure, magkaiba naman (ang show nila ni Willie), so, depende na lang sa audience ’yon,” dagdag pa ni Mega.

After the Q&A, natanong pa ulit si Sharon ng ibang press about Willie at ito lang ang nasabi niya: “Kay Willlie, basta, minahal ko siya at na-hurt ako. ’Yun, sasabihin ko ’yon.

“Saka, hindi pa kami nakapag-usap. Pero siguro, gusto ko rin siyang makausap,” say niya at saka napabungisngis.

May chance ba na mabalik ’yung dati nilang closeness?

“Ay, hindi naman ako walanghiya,” pagtatapos niya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

3 Comments:

At 3:17 PM, Anonymous Anonymous said...

Tangina mo Sharon! Cholesterol na anak sa labas!

 
At 3:07 PM, Anonymous Danjiemar said...

Ugok baka ikaw yun,,lakas naman ng apog mo,,,,,duwag

 
At 1:25 PM, Anonymous Anonymous said...

wag mag away tsong...

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES