Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, September 16, 2010

Toni Gonzaga fed up with Mariel

Marami ang hindi nakakaalam na matagal na palang may gap sina Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga pero hindi nasusulat simply because pareho silang nananahimik tungkol dito.

Pero kahapon, sa presscon ng Kokey @Ako ay nabuksan ang isyung ito nang may magtanong kay Toni kung okay na sila ni Mariel at dito na nagsimulang maurirat ng entertainment press ang buong pangyayari.

Unang sagot ni Toni ay hindi pa sila nagkakausap at ayaw na raw niya itong pag-usapan.
Hindi ba niya binati si Mariel nun’g b-day nito?

“Binati ko, pero hanggang doon na lang. Tapos na, eh. Maigi na ’yung ganito, tapos na, ayoko na. Kung anuman ’yung mga narinig ko, kung ano ’yung mga nalaman ko, akin na lang ’yun. Huwag n’yo na siyang tanungin sa akin kasi ayoko na,” pahayag ni Toni.
Siyempre ay hindi naman nakontento ang press sa sagot ni Toni kaya nasundan nang nasundan ang mga tanong. Someone asked kung dahil ba ito sa pelikulang pagsasamahan sana nila ni Robin Padilla na boyfriend ngayon ni Mariel at kung ang action star ba ang dahilan ng pagkakaroon nila ng samaan ng loob.

“Wala akong problema kay Robin, hindi ito tungkol sa pelikula,” paglilinaw ni Toni.
So, ano talaga ang nangyari?

“Hmm, alam naman niya (Mariel) siguro ang ginawa niya, ’yung mga nangyari, ayoko nang i-elaborate, basta bahala na lang sila, Kung ide-deny at iko-confirm. Basta ako, ang importante sa akin, marunong akong magpahalaga ng mga tao sa buhay ko at hindi ako…ayoko na, kasi ’pag sinabi ko, alam n’yo na.”

Ayon kay Toni ay medyo matagal-tagal na ang nangyari (sa kuwenta ng press base sa sagot niya ay mga two months ago), bago pa man daw pumasok si Robin sa buhay ni Mariel. Kaya paulit-ulit niyang nilinaw na walang kinalaman si Binoe dito.

Since then ay hindi pa ba sila nagkausap ni Mariel?

“Nagkausap pero may klinaro lang ako, may nilinaw, tapos, tapos na. Inaayos ko lang, tinatama ko lang kung ano ang narinig.”

May dapat bang pagselosan si Mariel sa kanya?

“Hindi, hindi naman issue ’yung selos-selos, walang kinalaman ang selos. Iba ’yung sa akin. Malalim yung sa akin kaya ayoko na ring i-share kasi lalaki pa, sabihin pa, idinadamay or kung ano, kasi ang dali-dali naming i-deny ang lahat ng bagay, so huwag na lang.”

Hindi rin masagot ni Toni kung mababalik pa ang dating closeness nila ni Mariel pero base sa mga kilos at sagot niya ay mukhang masakit pa rin sa kanya ang nangyari.
“Siyempre, hindi ko naman sasabihin na tapos na ang lahat kung hindi ako nasaktan ’di ba? Ganito na lang siguro. Ako kasi... naku, nagpatulong na nga ako kay Direk Wenn (Deramas, direktor niya sa Kokey @ Ako), kasi hindi ko kaya ’to, sabi ko, kung bakit ganu’n yung narinig ko, ’yung mga nakarating sa akin.

“Actually, laking pasasalamat ko nga na dahil sa isang proyektong hindi natuloy, may mga nadiskubre akong mga bagay-bagay na nakapagpa-realize sa akin kung sino ’yung mga totoong tao sa buhay ko and ginamit siguro ni Lord din na way ’yun para ma-realize ko kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan. So, ayun na lang siguro, bahala na kayo.”

Nilinaw din ni Toni na wala siyang issue sa trabaho at hindi lang daw galing sa isang tao ’yung mga bagay na nalaman niya kungdi may iba pang taong involved.
“Basta tama ‘yung sinabi sa akin ni Direk Wenn na mag-ingat ako sa mga taong hindi ko kilala pero siguro sa panahon ngayon, mas mag-ingat ka daw sa mga taong kilala mo.”

Ipinagpapasalamat din ni Toni na wala pang next Pinoy Big Brother at next year pa raw kaya may time siya para mag-heal since magkasama sila ni Mariel sa nasabing show.
“August pa by next year ang next PBB at hindi pa natin alam kung ano ang susunod na mangyayari. Ah, magpapalipas lang ako siguro ng mga sama ng loob, ng mga ... actually, malalim, eh, so time will heal the wounds, so kailangan ko ng time and I need this time kaya nagte-thank you ako na wala munang PBB kasi kailangan ko ng time.”

Pero kung magso-sorry ba si Mariel ay tatanggapin niya?

“Sana, dumating ’yung point na ’yun. Ako naman, madaling kausap. Pero hindi ko na hinihintay ’yun.”

Basta ani Toni, ayaw na raw niyang pag-usapan pa ang nangyari.

“Basta ’yung tungkol du’n sa issue na ’yun, ayoko na. Paso na ako.”

Samantala, magsisimula na ang Kokey @ Ako on Sept. 20 (Monday) befofe TV Patrol at kasama rin dito si Vhong Navarro bilang leading lady ni Toni, at ang Melason na sina Mel Cantiveros at Jayson Francisco.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES