Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, September 05, 2010

Toni's entry in 'The Buzz' irks sister

Painit nang painit ang Juicy na hino-host nina Cristy Fermin, IC Mendoza, Alex Gonzaga at DJ Mo Twister, isama pa si Shalala sa kanyang mga blind items na talaga namang nagiging kontrobersyal kaya naman from 45 minutes ay ginawa na itong isang oras ngayon.

Nang makausap nga namin si Alex, tinanong namin siya kung nakukuwentuhan ba siya ng ate niyang si Toni Gonzaga ng mga issues sa mga artista, partikular na ng ABS-CBN.

“Hindi naman, tinatanong nga ng mga artista ang mommy ko kung siya ba ang nagkukwento kasi bakit daw namin nalalaman,” natatawang say ni Alex.

Basta raw sinabihan daw siya ng ate niya na huwag nang makisali sa mga opi-opinyon ng hosts para hindi magalit sa kanya ang mga artista.

“Dati pa niya ako sinabihan na kung ayaw ko lang maging host at gusto mo ring mag-artista, ’wag ka muna mang-away at huwag kang magre-react na parang may alam ka sa showbiz, bata ka pa, wala ka pang ganu’ng ka-authority. Eh si IC naman, Inday Badiday at Dolly Ann Carvajal (ang pasaporte kung baga), linya niya talaga ’yun, eh.

“Eh ako, mahirap po, saka minsan, kaibigan ng ate ko (ang ibinabalita nila), so, nakaka-ano,” say ni Alex.

So far, wala pa namang nagagalit sa kanyang artista?

“’Yung pinaka-dati lang, ’yung fans ni Kim (Chiu), ’yun lang, pero wala na. ’Yung fans nga ng Melason, binigyan pa nila ako ng cake, kasi, pinagtanggol ko raw sila.”

Pinatanong nga raw niya sa ate niya kung nagagalit sa kanya si Pokwang na as we all know ay may away ngayon with Nanay Cristy at say naman daw ng komedyana kay Toni ay hindi naman daw siya galit kay Alex.

Aminado si Alex na medyo nainis daw siya nang malaman niyang magiging part ng The Buzz ang ate niya.

“Kasi katapat ng BF-GF (show ni Alex sa TV-5). Sabi ko, ‘ate, ’yung mga fans mo, sa ’yo na manonood’. Sabi niya, ‘kita ko, conflict of interest ka, pumapasok na sa isip mo, dapat maging masaya ka para sa kapatid mo’. Sabi ko, sorry, masaya na ako para sa ’yo.”

Actually, magkatapat din ang variety show nila every Sunday na ASAP XV ng ABS-CBN kung saan kasama si Toni at ang PO5 ng TV5 kung saan part din naman si Alex.

Pero ang nanay daw nilang si Mommy Pinty ang nalilito kung aling channel ang panonoorin.

“Dalawa talaga ang TV na pinapanooran niya, isang PO5 at isang ASAP. Tapos pag uuwi ako, tatanungin ko, ‘mommy, napanood mo?’ Oo, sasabihin niya. Tapos, ang ate ko ’pag darating, ‘mommy, napanood mo?’

“Pero nahihirapan din si mommy, kapag napanood niya ang ate ko, hindi niya ako mapapanood, kaya kung minsan, alternate, ganu’n.”

Pero hindi naman daw issue sa bahay nila ’yun at never naman daw siyang nagtampo kung may pagkakataong sa ate niya naka-focus ang parents niya.

“Kung minsan kasi, mas malaki ’yung mga nagiging issue ng ate ko, so kung ’yun lagi ang pinag-uusapan sa bahay, okay lang. At saka, kunyari, malaki talaga prod (production number) niya, kung magho-hosting lang naman ako, okay lang na siya ang panoorin ng mommy ko. At saka ‘yung launch ng The Buzz, okay lang na doon manood si mommy. Wala pong issue kasi, dalawa na nga lang kaming magkapatid, eh.”

Enjoy na enjoy naman si Alex sa kanyang ginagawa at puring-puri siya ng mga staff ng Juicy dahil napaka-witty rin daw nito just like her sister.

Starting Monday, mapapanood na ang Juicy from 11:30 a.m. to 12:30 p.m. at sa gabi naman ay may replays from 11:30 p.m. to 12:30 a.m. Napapanood ang nasabing talk show Mondays thru Fridays.

* * *

Si IC Mendoza naman ay nagkaroon ng issue kay Jake Cuenca nang minsang i-blind item niya ang aktor sa Juicy na nakita niya ito sa bar at may kasamang babae.

“Tapos po, tsinika (kinausap) niya ako na parang “sana naman, IC, huwag naman araw-araw tirahin kasi, we’re friends naman”.

Ginagawa lang daw niya ’yung paglalabas kasi wala siyang trabaho, kasi ’pag may trabaho naman daw siya, sa bahay lang siya. Reward daw niya sa sarili niya ’yun.

“So, sabi ko, sige next time, sa next intriga mo, I’ll ask you kung totoo ba. ’Yun din ang mali ko, hindi ko tinanong. Pero ang point du’n, huwag ka na sanang gumawa ng karumal-dumal kapag nasa labas, huwag sa public syempre. ’Yun lang naman ang point ko sa kanya.

“Ako naman, hindi ko ire-retract ang istorya ko, syempre. Pero after na nag-usap kami, okay na kami, magkasama rin kasi kami sa indi film na HIV na showing na on November,” kuwento ni IC.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES